Babaeng anak ng komedyanteng si Jose Manalo na si Myki, isa palang doktor!

Babaeng anak ng komedyanteng si Jose Manalo na si Myki, isa palang doktor!

Tunay nga na ang bawat tagumpay na nakakamtan ng mga anak ay labis na ipinagdidiwang ng kanilang mga magulang dahil maliban sa kasiyahang nararamdaman nila sa tuwing nakikitang naibibigay nila ang bawat pangangailangan ng kanilang mga ito, masarap din sa pakiramdam sa tuwing may achievements sila sa buhay.

Credit: @mykimanalo Instagram

Kapag komedyante lang naman sa lokal na industriya ng showbiz ang pag-uusapan ay tiyak na hinding-hindi malilimutang banggitin ng mga Pinoy ang pangalan ni Jose Manalo dahil sa buong career niya sa showbiz ay hindi lang naman siya kailanman nabigo sa pagbibigay ng kasiyahan at labis na katatawanan sa lahat ng mga manonood.

Sa bawat pagkakataon na nakikita natin siya si Jose sa telebisyon, isa talaga siyang embodiment ng tunay na komedyante pero sa likod ng kamera, isa naman siyang mapagmahal at proud na ama sa mga anak dahil lahat lang naman ay ginagawa niya upang mapabuti ang kalagayan at ang kinabukasan ng mga ito dahilan kung bakit sa nakalipas na mga taon, mas pinagbubutihan talaga niya sa trabaho upang masuportahan ang pangarap ng mga anak.

Credit: @mykimanalo Instagram

Hindi man sumunod sa naging yapak ni Jose sa showbiz ang anak na si Myki Manalo, labis naman niya itong ipinagmamalaki dahil sa pagiging dedicated nito sa pag-aaral. Matatandaang taong 2012 nang nagtapos sa kursong Psychology sa DLSU-Manila si Myki at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa FEU-NRMF upang maging isang ganap na doktor kung saan ay nagtapos siya noong September 2016 at natapos naman niya ang kanyang internship sa De Los Santos Medical Center sa kasunod na taon.

Credit: @mykimanalo Instagram

Sa matayog na pangarap ni Myki para sa sarili, todo at buong-buo naman ang suportang ibinigay ni Jose sa anak kaya nang nakapasa ito sa licensure exam, sobrang laki talaga ng tuwang naramdaman ng komedyante dahil sa wakas, may isa na siyang anak na doktor!

Hindi man masyadong aktibo sa social media, ramdam na ramdam naman ng fans ni Jose ang pagiging proud Daddy niya dahil sino nga ba namang magulang ang hindi masisiyahan sa napakagandang balita katulad nito?

Credit: @mykimanalo Instagram

Mahigit limang taon naman ang nakakalipas matapos maging isang ganap na doktor ang anak ni Jose Manalo na si Myki, nais pa rin ipabatid ng karamihan ang maligayang pagbati para sa babaeng anak ng komedyante.

Ysha Red

error: Content is protected !!