Anak ni Anne Curtis na si Baby Dahlia, nagmala-cutie tuktuk driver sa Siargao!

Anak ni Anne Curtis na si Baby Dahlia, nagmala-cutie tuktuk driver sa Siargao!

Tunay nga na isang ray ng sunshine ang mga chikiting dahil kahit saan man magpunta, patuloy lamang sa pagniningning ang pagiging bibo nila katulad na lamang ng anak ni Anne Curtis at Erwan Heussaff na si baby Dahlia dahil effortless lang naman niyang naaagaw ang atensyon ng karamihan sa simple niyang pagsabak sa cutie na ride!

Credit: @erwan Instagram

Matapos ang hectic na schedule at magkakasunod-sunod na projects, panahon na upang muling magkaroon ng bonding ang celebrity couple na si Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang kanilang chikiting na si baby Dahlia Amélie. Sa kanilang break sa showbiz, napagdesisyunan ng pamilya na magpunta sa Siargao upang makapag-unwind.

Maliban sa masasayang adventure at food trips na ginawa nila, hinding-hindi rin mawawala ang pagpapaandar ni baby Dahlia ng kanyang kabibohan dahil muli’t muli lang naman ang updates ng kanyang Daddy Erwan tungkol sa kanyang kulit moments kahit na’y nasa kalagitnaan sila ng bakasyon!

Credit: @erwan Instagram

Sa isang post ni Erwan sa kanyang Instagram account kumakailan lamang, ibinahagi niya ang pagiging isang cutie driver ni baby Dahlia sa kulay yellow na tricycle-taxi.

“On our way,” sulat ni Erwan sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan ni baby Dahlia kung saan ay makikitang wala man lang itong takot habang mag-isang nakaupo at nakahawak sa manibela sa sinasakyan niyang tricycle-taxi.

Nasa Siargao man ngayon, umabot naman sa kanilang fans ang bibo moment ni baby Dahlia habang nasa bakasyon sila ng kanyang pamilya. Iilan lamang sa kanilang mga komento ay:

“The cutest driver ever! Can I have a free ride pls pretty dahlia? ”

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Dahlia!!!!! The cutest”

“Love this photo! Enjoy little girl Ingat sa pasada.”

“Cute naman driversakay ako”

Kahit nasa bahay o nasa kalagitnaan man ng kanilang bakasyon, wala talagang kinikilalang lugar ang kakulitan ni baby Dahlia Amélie dahil tunay nga naman kasi siyang hindi nauubusan ng ideya tungkol sa kapilyahan kaya naman ganoon na lamang ka-smitten ang netizens na matunghayan ang bawat kakulitan moments nito dagdagan pa ng nakakapanggigil na cuteness ni baby Dahlia.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Simula nang unang ibinahagi ng couple sa publiko ang kapilyahan at pagiging bibo ng kanilang baby girl na si Dahlia, talagang nakaabang at sinusubaybayan na ng netizens ang bawat kulit moments nito dahil tunay nga naman kasing nag-uumapaw na good vibes ang hatid ni baby Dahlia sa ating lahat!

Ysha Red

error: Content is protected !!