Baby shower ni Angelica Panganiban, dinaluhan ng sikat na mga artista!

Baby shower ni Angelica Panganiban, dinaluhan ng sikat na mga artista!

Sa sobrang busy ng mundo ng showbiz, imposible talaga na makitang magkakasama at nagtitipon-tipon ang parehong sikat na mga artista. Ngunit kahit gaano man ka-hectic ang schedule, naglalaan talaga ng oras at panahon ang iilang celebrities upang ipagdiwang ang blessing na inaasahan ng kanilang kapwa artista katulad na lamang nang nagkaroon ng baby shower si Angelica Panganiban kung saan ay present ang halos lahat ng kilala nating mga artista!

Credit: @iamangelicap Instagram

Mula pa man noong kabataan days ni Angelica Panganiban, marami na talaga siyang napapabilib dahil sa kanyang angking kahusayan sa larangan ng pag-arte. Bida o kontrabida man ay hindi talaga niya tayo binibigo lalo na’t performance na ang pinag-uusapan dahilan kung bakit hanggang ngayon ay isa siya sa mga tinitingalang aktres sa lokal na industriya ng showbiz. Of course, hindi na naman bago pa sa kaalaman natin na kalakip ng kasikatang tinatamasa ng isang artista ay ang pagiging open ng kanyang personal na buhay sa publiko lalong-lalo na ang kanyang buhay pag-ibig na talaga namang pinagkaka-interesan ng karamihan.

Credit: @iamangelicap Instagram

Matapos ng jowa reveal ni Angelica na talaga namang kinakiligan ng fans, ibinahagi rin ng aktres na inaasahan na nila ng kanyang partner na si Gregg Homan ang kanilang unang baby. Dahil sa magkakasunod na blessings sa buhay ni Angelica, labis talaga ang pagpapasalamat niya dahil sa wakas, unti-unti na ring natutupad ang kanyang mga pangarap sa buhay at ito ay ang magkaroon ng sariling pamilya.

Ngayon na malapit na ma-meet ng couple ang kanilang magiging baby, napagdesisyunan ni Angelica at Gregg na magkaroon ng baby shower na dinaluhan naman ng mga importanteng tao sa buhay nilang dalawa at kabilang na nga sa mga ito ay ang mga kaibigan ng aktres sa showbiz.

Credit: @iamangelicap Instagram

Present sa precious na event ng “The Homans” ay ang sisters ni Angelica na sina Anne Curtis at Angel Locsin na inaming excited na makilala ang kanilang magiging inaanak.

“Can’t wait to meet the little bub! So excited for you guys!!!” sulat ni Anne Curtis sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan sa IG Story kasama ang soon-to-be mga magulang.

Credit: @iamangelicap Instagram

Maliban sa sisters ni Angelica, dumalo rin sa baby shower sina Maxene Magalona, Alora Sasam, Ryan Bang, Direk Dan Villegas, DJ Jhai Ho, at ang “Call Me Tita” co-stars ng aktres na sina Agot Isidro, Cherry Pie Picache at marami pang iba!

Credit: @iamangelicap Instagram

Talaga namang mapapansin kung gaano ka-excited at supportive ang mga kaibigan ng “The Homans” sa showbiz dahil talagang naglaan ang mga ito ng oras upang samahan ang couple sa pagdiriwang sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby girl!

Ysha Red

error: Content is protected !!