Bahay bakasyunan ni Pokwang sa Bataan, ipinasilip!

Bahay bakasyunan ni Pokwang sa Bataan, ipinasilip!

Kakaiba talaga sa pakiramdam kapag nakikita natin ang resulta sa ilang taon nating pagtatrabaho dahil nagsisilbi lang naman itong reward sa mahabang panahon na iginugol natin upang makamit ang noo’y simpleng pangarap lamang.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Maliban sa kapayapaan na nararamdaman natin sa ating bahay, kakaiba rin ang kaginhawaan na dulot sa tuwing binibisita natin ang paborito nating mga lugar kaya imbes na mag-book ng hotel, mas mainam talaga na magkaroon ng sarili nating space. Bukod nito, fulfilling din sa pakiramdam kapag mayroon tayong matatawag na sariling atin pero sa labis na pagmamahal na meron si Pokwang sa Mariveles, Bataan ay napagdesisyunan niyang doon ipatayo ang matagal na niyang hinahangad na beach house!

Wala talagang kabuluhan ang pera kapag hindi ito nagagastos at nagagamit sa wastong paraan kaya para sa hardworking na si Pokwang, sinigurado talaga niyang may magandang patutunguhan ang perang inipon niya sa loob ng sampung taon na pagtatrabaho sa showbiz bilang isang aktres at komedyante kaya napunta talaga ang lahat sa pagpapatayo niya sa kanyang rest house sa Camaya coast.

Taong 2019 nang ibinalita ng komedyante na naka-purchase siya ng dalawang lote sa Camaya coast kung saan ay ibinahagi niyang patatayuan umano niya ng beach house.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

“Thank you God. Finally after 10 years mapapatayuan na kita yeheeyy,” sulat ni Pokwang sa kanyang caption kalakip ng video na ibinahagi niya kung saan ay makikita siyang nakahawak ng signage kasama ang kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.

At makalipas nga ang tatlong taon, muling nagbahagi ng update si Pokwang. Sa kanyang IG story nito lamang nakaraan, ipinasilip niya ang features sa labas ng kanyang beach house sa Bataan na may tatlong stories, garahe, balcony sa ikalawa at ikatlong palapag.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Hindi man kita ang buong bahay sa larawang ibinahagi ng komedyante, masasabi at matitiyak naman na sobrang ganda nito sa loob at labas.

Sa hint ni Pokwang sa kanyang caption na “See you in 4 days our Camaya house😘💗” ay tila’y ipinahiwatig niyang pwedeng-pwede na itong lipatan at pagbakasyunan.

Of course, dahil situated ito sa IG-worthy na scenery ng Camaya coast ay paniguradong mapapamahal ang mga anak ni Pokwang nito lalong-lalo na ang kanyang chikiting na si Malia.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Unang pasok pa lamang sa February pero ramdam na ng actress-comedienne ang swerte ng 2023 sa kanyang buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!