Bakasyon ni Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Paris, mas naging espesyal pa ngayong kasama na si Dahlia Amélie

Isa sa mga paboritong destinasyon ng couple na si Erwan Heussaff at Anne Curtis ang Paris simula pa noong sila’y magkasintahan pa lamang. Kaya halos hindi sila makapaniwala sa mabilis na paglipas ng panahon dahil sa muling pagbabalik nila sa tinaguriang “City of Love,” kasama na nila si baby Dahlia Amélie.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Noon pa man, effortless nang napapakilig ni Anne at Erwan ang kanilang fans dahil sa malakas nilang chemistry. Hinahangaan din ng karamihan ang kanilang relationship dahil nananatili pa rin itong matibay sa kabila ng magulong mundo ng showbiz.
Sa ilang taon nilang pagsasama bilang magkasintahan, napagdesisyunan ni Anne at Erwan na dalhin sa susunod na level ang kanilang relasyon at nagpakasal noong taong 2017. Hindi naman nagtagal ay nagbunga rin ang kanilang wagas na pag-iibigan noong 2020 sa pagdating ni baby Dahlia sa kanilang buhay.
Ngayon na isa ng ganap na mga magulang, layunin ngayon ni Anne at Erwan na mabigyan ng magandang buhay ang anak at walang ibang hiling kung hindi ay makita itong masaya.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Simula nang umuwi sa Pilipinas nito lamang Pebrero galing sa Australia kung saan ay pansamantala silang nanatili matapos isilang si Dahlia, hindi kailanman nagpunta sa ibang bansa ang pamilya bilang pag-iingat na rin sa banta ng viru$.
Ngayon na papalapit na ang kapaskuhan, nais ng mag-asawa na mas mapasaya pa si Dahlia kaya nang nabigyan ng pagkakataon na magbakasyon, walang pagdadalawang-isip na lumipad papuntang Paris, France ang buong pamilya upang makapagbakasyon.
Dahil ito ang kauna-unahang trip ni Dahlia sa ibang bansa, mas naging espesyal pa ang pagbabakasyon ng buong pamilya.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Wala namang pinapalampas na araw si Anne at Erwan dahil palagi silang namamasyal sa iba’t-ibang “tourist attraction” sa Paris kung saan ay sobrang nag-enjoy si Dahlia nang bumisita sila sa isang museum na may iba’t-ibang display ng mga hayop kung saan ay nakaramdam siya ng paghanga nang nakakita ng statue ng giraffe.
“Duraffe!!” sabi ni Anne, pagtutukoy sa pagkakabigkas ni Dahlia sa salitang giraffe.
Break muna sa mga pagkaing Pinoy ang pamilya dahil talagang sinusubukan nila ang lahat ng French dish. Mapapansin naman sa mukha ni Dahlia na nagustuhan niya ang kinakain dahil talagang all out siya sa ginagawa kasama ang kanyang Daddy Erwan na kilala bilang isang “food lover”.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Nag-enjoy din sa snow ang mag-ina na ayon kay Anne ang kauna-unahang pagkakataon ni Dahlia.
Ilang ulit namang nakapagbakasyon sa Paris, mas nararamdaman ngayon ni Anne at Erwan ang romansa sa bawat sulok ng Paris ngayon na kasama na nila si Dahlia at tila ba’y first time lamang nila sa lugar.