Barbie Forteza at Maris Racal, spotted sa magkaibang registration site para magparehistro bilang botante

Barbie Forteza at Maris Racal, spotted sa magkaibang registration site para magparehistro bilang botante

Yehey! Opisyal na ngayong rehistradong botante sina Barbie Forteza at Maris Racal.

Credit: @mariesteller Instagram

Nakakagaan sa pakiramdam ang katotohanang napakaraming tao ang determinadong magparehistro para sa Halalan 2021. Sa hindi inaasahang pagtaas ng botante, muli itong nagbigay pag-asa na may mas ibubuti pa ang ating bayan.

Isa na nga sa mga bagong nagparehistro ay sina Barbie Forteza at Maris Racal na parehong aktres. Abala man sa trabaho sa showbiz ay talagang pinaglaanan nila ito ng oras para lamang maging opisyal na mga botante.

Credit: @barbaraforteza Instagram

Talagang hindi isinuko ni Barbie at Maris ang kanilang rights na makaboto ngayong papalapit na eleksyon at talagang pumila ng napakaaga para lamang makapagparehistro.

Sa Instagram, nagbahagi si Barbie ng mga larawan at maikling video nang siya’y pumila sa COMELEC para makapagrehistro. Ayon sa dalaga, 4:00 AM pa lamang ay talagang nandoon na siya at matiyagang pumipila.

Credit: @barbaraforteza Instagram

“Nagsimulang pumila ng 4AM at ngayon ay REHISTRADO NA AKO!!! 🥳🥳🥳,” sulat ni Barbie sa kanyang caption.

Makikita sa isa sa mga larawang ibinahagi ni Barbie na nakaupo siya sa gilid ng daan dahil sa pagod dulot ng matagal na paghihintay pero sa huli ay “worth it” naman ang lahat.

Credit: @barbaraforteza Instagram

Samantala, ganoon din ka-determinado si Maris para lamang maging rehistradong botante. Katulad ni Barbie ay pumila rin ang aktres ng napakaaga at 2:30 AM pa lamang ay matiya na siyang pumipila at naghintay.

Credit: @missmariestella Tiktok

Martes, September 21 nang ikinuwento ni Maris sa Tiktok ang kanyang karanasan nang pumila siya para makapagrehistro.

“Pumila ako nang mga 2:30 a.m. Sobrang nagmadali ako,” pahayag ni Maris.

Credit: @missmariestella Tiktok

Dagdag pa niya, “Pang-number 24 ako pero noong 8 a.m. nalaman ko na maling district pala ang pinilahan ko.”

Dahil dito, mas minabuti na lamang niyang umuwi pero hindi pinaghinaan ng loob si Maris at muli siyang bumalik sa sumunod na araw. Ngayon ay nasa tamang district na siya at sa wakas ay isa na ngayong rehistradong botante para sa Halalan 2022.

Credit: @missmariestella Tiktok

Pareho namang hinikayat ni Barbie at Maris ang kanilang fans na magparehistro na dahil para naman ito sa kinabukasan ng ating bayan.

“Kayo rin! Pwede pa pong humabol sa pagpaparehistro para makaboto!” pag-eencourage ni Barbie sa kanyang fans at followers sa Instagram.

Credit: @barbaraforteza Instagram

Nag-iwan naman ng payo si Maris sa netizens na kapag magpaparehistro, dapat maaga silang dumating dahil talagang hindi biro ang napakahabang pila.

“Sa lahat ng gustong magparehistro maaga dapat kayong dumating. Mayroon pa tayong few days left so magparehistro na kayo guys,” advice ni Maris.

Credit: @mariesteller Instagram

Sa matiyagang pagpila nina Barbie at Maris, nagsilbi silang boses sa mga kabataan na magparehistro, upang maging bahagi sa paparating na 2022 National Election.

Ysha Red

error: Content is protected !!