Barbie Imperial, nagmistulang tunay na Barbie doll sa kanyang birthday pictorial

Sa pagtungtong ng aktres sa taong 23 ay tinotoo ni Barbie ang matagal na pangarap na magaya ang ilan sa mga sikat na karakter sa cartoons. Sa ginawang photosho0t bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan ay nagmistulan siyang nanggaling sa mundo ng fairytale.
Credit: @msbarbieimperial Instagram
Sa Tinkerbell-inspired niyang photosho0t ay nagmukha siyang totoong fairy sa suot na “frothy chartreuse tulle dress”. Bukod sa napili niyang tema para sa kanyang photoshoot ay nagsilbi rin itong daan ni Barbie upang ipaabot na hindi lamang siya isang “dreamer” dahil pinagsisikapan niya rin ang lahat ng mga bagay na gustong maabot at matupad.
Hulyo 30 nang ibinahagi niya ang kanyang Tinkerbell-inspired na photoshoot sa Instagram na umani ng mahigit 150,000 likes.
Credit: @msbarbieimperial Instagram
“Fantasy offers possibilities and sparks the imagination. At a young age, I was fueled by tales of the power of dreams. It coalesced with the beautiful reality inculcated in me – that dreams will remain dreams if you don’t work hard for them. I am a dreamer, but I am also a doer.”
Dagdag pa ng aktres, “In my fairytale fantasies and magical dreams, I wear a whimsical ensemble that sparkles with hope. I paint a world where visions turn into reality and imagination becomes life. Sending my love to all the people who helped me flourish.”
Bukod sa tema niyang Tinkerbell ay nagkaroon din si Barbie ng Leo-inspired na photoshoot. Dito ay “fierce” at “fiery” ang aktres habang suot ang isang “metallic cut-out” na damit.
Credit: @msbarbieimperial Instagram
“She is Leo. I am her. 🔥” sulat ni Barbie sa kanyang caption.
Marami rin ang napa-wow nang nagmistulan siyang manika sa ginawang Barbie-inspired na photosho0t.
Credit: @msbarbieimperial Instagram
“You can be anything! Be your own doll, be who you want to be, and live your dream. Let your colorful imagination blossom into a bouquet of playful possibilities. I am Barbie.”
Credit: @msbarbieimperial Instagram
Marami namang kapwa celebrities ang napahanga ni Barbie. Marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa aktres galing sa kanyang fans at iilang kasamahan sa industriya ng showbiz.
“Happy Birthday daai! 🤍” pagbati ni Maymay Entrata.
Credit: @msbarbieimperial Instagram
“Ganda!!!!! Happy birthday barbie girl!!!! ❤️❤️❤️” sabi naman ni Arci Munoz.
“Happy Birthday, baby girl!!!!! 💕💕💕” komento naman ni Nikki Valdez.
Credit: @msbarbieimperial Instagram
Hindi naman maitatanggi na sobrang bagay kay Barbie Imperial ng lahat ng tema sa ginawang photosho0ts. Para talaga siyang lumabas sa mismong mundo ng fairytale.