Baron Geisler, game na game na nakipaglaro sa kanyang anak sa isang indoor playground

Baron Geisler, game na game na nakipaglaro sa kanyang anak sa isang indoor playground

Marami ang halos hindi makapaniwala sa mabuting pagbabago ni Baron Geisler pero araw-araw niyang pinapatunayan na matagal na siyang tapos sa kanyang madilim na kahapon.

Credit: @baron.geisler Instagram

Isang nakakaantig na istorya ang buhay ni Baron dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging “bad boy” niya. Sa katunayan, palagi siyang laman ng balita tungkol sa mga away at pakikipagbasag-ulo. Sa kabila ng kanyang madilim na nakaraan, hindi naman ito naging hadlang upang mahanap ulit ng aktor ang kanyang sarili at sa hindi inaasahang pagkakataon ay makahanap ng panibagong dahilan upang mas maging determinado pa na baguhin ang sarili.

Matapos ang kanyang pagbabagong buhay, isa na ngayong mapagmahal na asawa si Baron sa kanyang asawa na si Jamie Evangelista at responsableng ama sa kanilang anak na si baby Talitha Cumi.

Credit: @baron.geisler Instagram

Of course, sikat noon sa kanyang reputasyon bilang isang “Bad Boy,” marami ang nasurpresa sa pagiging hands-on ng aktor sa pag-aalaga sa kanyang pamilya lalo na sa mga anak.

Puno ngayon ang Instagram account ni Baron ng mga larawan ng kanyang pamilya katulad na lamang nang nag-enjoy ang buo niyang pamilya sa beach at magkasama pa sila ni baby Talitha sa iisang surfboard.

Credit: @baron.geisler Instagram

“My Tali water baby 🥰😘😄🙏🏼,” sulat ni Baron sa kanyang caption kalakip ng maikling video ng unica hija kung saan ay makikitang naglalaro ito ng tubig.

Kumakailan lamang nang nagkaroon ulit sila ng “family bonding” sa Pororo Park sa JPark Island and Waterpark sa Cebu kung saan ay walang-pagod siyang nakipagkulitan kay baby Talitha.

Credit: @baron.geisler Instagram

Maliban sa pagpapahayag ng netizens sa kanilang saloobin tungkol sa pagiging mabuti at responsableng Daddy ni Baron, umani rin siya ng mga papuri tungkol sa kanyang “transformation”.

Credit: @baron.geisler Instagram

“Hala baron ang gwapo mo po ngyon sobra…baka nmn dyn pa notice nmn po😍”

“Wow ang galing ng transformation mo 😍”

Maliban sa paghangang nararamdaman ng karamihan tungkol sa pagiging hands-on ni Baron sa kanyang Daddy duties, aktibo rin ngayon ang aktor sa pag-aadvocate ng “Mental Health Awareness” sa social media at masugid sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pag-eexercise.

Credit: @baron.geisler Instagram

Minsan na mang naligaw ng landas at nawalan ng direksyon sa buhay, talagang pinatunayan ni Baron na hindi nawawalan ng pag-asa ang isang tao upang makamit ang pagbabago. Talagang pinatunayan ng aktor na hindi siya nagkamali na tahakin ang daan patungo sa magandang pagbabago.

Ysha Red

error: Content is protected !!