Baron Geisler, patuloy pa rin sa kanyang journey sa pagbabago at ngayon ay grumaduate ng kursong Theology

Baron Geisler, patuloy pa rin sa kanyang journey sa pagbabago at ngayon ay grumaduate ng kursong Theology

Ang buhay ay punong-puno ng misteryo. Sino ba ang mag-aakala na ang kilala nating masayahin na si Baron Geisler noon ay dadanas ng pagkalulong sa mga bisyo at alak? Ngunit makalipas ang ilang taon, muli siyang bumalik at pinatunayang may pag-asa ang lahat basta’t may determinasyon at pananalig sa Panginoon.

Credit:Β @baron.geisler Instagram

Minsan namang tinahak ang madilim na daan at muntik nang mawala ang sarili dahil sa pagkalulong niya sa droga at mga bisyo, nagawa pa rin ni Baron Geisler na magbagong-buhay. Maliban sa tulong ng kanyang therapists at sa mga taong tumulong at sumuporta sa kanya habang nasa rehab siya, inamin ng aktor na malaking tulong ang pananalig niya sa Panginoon, isang bagay na hindi niya inakalang gagawin niya.

Matatandaan sa interview niya kasama si Toni Gonzaga, inamin ni Baron na ang pananalig at ang pagiging malapit niya sa Panginoon ang naging daan upang muli niyang mahanap ang kanyang sarili at isa sa mga dahilan kung bakit nagawa niyang malagpasan ang masalimuot niyang nakaraan ngunit may iilan pa rin na kumukuwestiyon sa kanyang faith.

“I do not have to answer to anyone except my God because only him and I have a relationship, and this relationship is a very special one. Nobody can take that away from me,” pahayag niya.

Credit:Β @baron.geisler Instagram

Simula nang bumalik sa spotlight noong 2019, nilinaw ni Baron na ang lahat ng ginagawa, nagagawa, at nakakaya niya ay dahil sa kanyang faith at ito rin ang sandata niya habang pinagsisikapan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kursong AB Theology. Sa katunayan, nagbunga na ang kanyang paghihirap dahil nito lamang, graduate na siya sa college!

“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord! β˜πŸΌπŸ˜Šβ€οΈβ€πŸ”₯πŸ™πŸΌ,” aniya sa caption kalakip ng mga larawang kuha sa seremonya ng kanyang graduation.

Credit:Β @baron.geisler Instagram

Ngayon na nakamit na niya ang isa sa goals niya sa buhay, mas makakapag-focus na ngayon si Baron sa kanyang career sa pag-arte at plano niyang pagbutihin ang lahat ng projects na ginagawa at matatanggap kasama ang pananalig at tiwala na meron siya sa Panginoon.

Credit:Β @baron.geisler Instagram

Minsan naman na dumaan sa madilim na bahagi ng kanyang buhay, naging posible naman para kay Baron na malagpasan ito dahil sa kanyang “new faith”.

Ysha Red

error: Content is protected !!