Bea Alonzo, ibinahagi ang kanyang fitness journey; may bwelta sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang katawan

Maraming Pinoy ang namomroblema kung paano maaalis ang kanilang “qu@rantine weight” o ekstrang timbang na resulta ng pananatili sa kanilang bahay ngayong panahon ng p@ndemya.
Credit: @beaalonzo Instagram
Kabilang nga dito ang aktres na si Bea Alonzo na inamin kamakailan lamang na nadagdagan ang timbang niya dahil sa qu@rantine.
Ibinahagi ni Bea sa kanyang vlog na noong 2020 ay nadagdagan ng 20 pounds ang kanyang timbang o halos 10 kilo dahil umano sa pagkain niya ng mga junk food at paghinto sa kanyang workout.
Credit: @beaalonzo Instagram
Kwento ni Bea, “The past year, I have gained 20 lbs. due to qu@rantine. I wasn’t keeping track of how I ate and barely worked out.”
Ngunit sa pagpasok ng 2021, napagdesisyunan ni Bea na alisin ang “extra pounds” na nakuha niya “to lead a healthier life.”
Credit: @beaalonzo Instagram
Sa kanyang fitness vlog, ipinakita ni Bea ang ilan sa kanyang mga workout routine. Ibinahagi rin ni Bea ang mga ginagawa niya upang ma-achieve ang kanyang fitness goal.
Credit: @beaalonzo Instagram
Ani Bea, “I’m trying to get 8-hours of sleep everyday. I try to drink a lot of water better than the usual amount of water that I would drink.”
Dagdag ni Bea, “I would go to the Aivee clinic for aesthetic purposes. And I try to workout almost everyday.”
Nagbunga naman ang disiplina ni Bea sa pagkain at pag-eehersisyo dahil simula noong January ay nakapagbawas na siya ng 15 pounds sa tulong na rin ng kanyang fitness trainer at nutritionist.
Credit: @beaalonzo Instagram
Proud na sabi ni Bea, “From January I have already lost 15 pounds. Hindi ko alam kung halata ninyo but nahalata ko dahil sa mga damit ko…I am proud that I have lost 15 pounds the healthy way because of the help the experts that has helped me.”
May mensahe rin si Bea para sa kanyang mga b@sher. Ayon kay Bea, hindi man siya ang “epitome” ng fitness, masasabi naman niyang ginagawa niya ang kanyang makakaya para ma-achieve ang kanyang goal—”to look better and to feel better.”
Credit: @beaalonzo Instagram
Aniya, “Now para sa mga b@shers ko, I know I’m not the epitome of fitness but I’m trying my best to look better, to feel better.”