Bea Alonzo, ipinakita ang kanyang artista van na may sariling shower at banyo!

Bea Alonzo, ipinakita ang kanyang artista van na may sariling shower at banyo!

Matapos ang dalawang dekadang pananatili sa industriya ng showbiz, sa wakas ay nagkaroon na rin ng artista van si Bea Alonzo.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Isa ngayon sa mga “highly-paid” na aktres sa showbiz, sobrang busy ng bawat araw ni Bea. Pabalik-balik sa tapings, at hindi na nakaramdam ng kaligtasan ang aktres lalo na’t patuloy na kumakalat ang viru$.

“I’ve been in the business for 20 years but I’ve never had an artista car before. Well, before kasi I never really felt like I needed one since kadalasan naman, ‘pag nagpupunta kami sa set, nasa tent na kami agad,” pahayag ni Bea.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Upang maprotektahan ang sarili lalo na’t napakarami niyang pwedeng makahalubilo, napagdesisyunan ni Bea na mag-purchase ng Ford Transit at ipa-customize ito upang gawing artista van.

Dagdag pa ng aktres, “Until nagkaroon ng C0v!d and feeling ko ngayon, it’s become a necessity para sa trabaho namin because we go to a lot of different places and now that there’s already this viru$ going around, parang feeling ko you really need that special place that could be your refuge away from the viru$ and away from everybody because ngayon, kailangan talaga natin ng s0cial di$tancing.”

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sabado, October 9 nang ipinasilip ni Bea ang nasa loob ng kanyang artista van na talaga namang umagaw sa atensyon ng netizens dahil nagmistulan itong “airplane cabin”.

Of course, bilang pag-iingat sa viru$, hinanda ni Bea ang isang box sa entrance kung saan nakapaloob ang kanyang “sanitary items”.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Ipinagmalaki rin ni Bea ang kanyang virtual assistant na si Alexa na nagco-control sa lights at blinds.

“I’m so kilig about that kasi matagal ko ng gusto. I’ve seen some artista na meron niyan inside their van. For fun,” sabi ng aktres.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Sa pagpasok pa lamang ay bubungad na ang kanyang “massage chairs” na inspired sa “business class seats” ng mga eroplano.

Hindi rin napigilan ng netizens na makaramdam ng paghanga sa rebelasyon ni Bea na may wifi ang mismong van.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Maliban pa nito, may TV, coffee maker, at microwave oven pa ang aktres kaya talagang parang nasa bahay lamang siya habang bumabyahe.

Ipinakita rin ng aktres ang mga laman ng kanyang compartments. Iilan lamang sa mga ito ay mga gamot at vitamins, first aid kits, snacks, at kubyertos.

Sa driver’s seat naman ay ang kanyang mini-ref kung saan nakalagay ang mga prutas at drinks ng aktres.

Of course, ipinasilip din ng aktres ang kanyang restroom na may shower pa!

Credit: Bea Alonzo YouTube

Nakuha ang inspirasyon sa Eithad Airways lalo na’t nami-miss na rin ni Bea ang pagta-travel, para na rin siyang nasa loob ng eroplano kapag nakasakay sa kanyang van.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Talaga namang classy at nakakamangha ang van ng batikang artista na si Bea Alonzo!

Ysha Red

error: Content is protected !!