Bea Alonzo, ipinakita ang kanyang bagong investment para sa kanyang napakaganda at napakalawak na farm na isang traktora!

Patuloy ang pagdating ng blessings para sa aktres na si Bea Alonzo. Bukod kasi sa maraming projects na natatanggap ni Bea bilang isang Kapuso actress, kaliwa’t kanan din ang ginagawa niyang endorsements. Dagdag pa rito ang nakukuha niyang suporta mula sa mga netizen para sa kanyang YouTube channel.
Credit: Bea Alonzo YouTube
Kasabay naman ng patuloy na pag-usbong ng kanyang karera ay ang pag-iinvest ni Bea sa mga ari-arian at lupain.
Maituturing na isa sa pinakamalaking investment ng premyadong aktres ang kanyang pagmamay-aring napakalawak na farm sa probinsya ng Zambales.
Tinatayang may lawak na 16-hectares ang farm ni Bea na pinangalanan nilang Beati Firma o “Blessed Farm” sa Latin.
Credit: Bea Alonzo YouTube
At kahit gaano naman ka-busy ang kanyang buhay bilang isang celebrity ay binabalik-balikan pa rin ni Bea ang kanyang farm.
Pagkatapos nga ng maraming buwan na hindi siya nakabisita sa kanilang farm, nagkaroon ulit ng pagkakataon si Bea na makalanghap ng sariwang hangin at kumain ng masustansyang ‘farm to table dishes.’
Sa kanyang latest vlog, muling dinala ni Bea ang kanyang fans sa kanilang napakagandang farm.
Itinour din ni Bea ang netizens sa “vegetable garden” ng kanyang Mama Mary Anne kasama ang kanyang kapatid na si James.
Credit: Bea Alonzo YouTube
Masayang namitas ng mga gulay si Bea sa garden ng kanyang Mama M. Tuwang-tuwa si Bea habang kumukuha ng ilang gulay sa kanilang garden gaya ng kalabasa, sitaw, patola, talong, sili at mais.
Ngunit ang pinaka-highlight ng nasabing vlog ni Bea ay ang unang beses na pagmamaneho niya ng traktora.
Credit: Bea Alonzo YouTube
Pinakabagong investment ni Bea ang nabili niyang napakagarang traktora na kwento pa niya, gamit na gamit umano raw talaga nila sa kanilang farm. Mula sa pag-cultivate nila ng lupa hanggang sa grass cutting, napakalaking tulong daw talaga ng traktora.
Credit: Bea Alonzo YouTube
Kaya naman ang payo ni Bea sa mga gaya niyang farm owners, mag-invest sila sa mga traktora.
“After soooo loonggg, I finally was able to go back to our farm…And guys, natuto din akong mag-traktora! If you’re a farm owner, or starting to build a farm you’lll see that getting your own tractor is a worthy investment,” ani Bea.
“One of the things I realized as a farm owner is that tractors are a good investment. A lot of work comes with managing a farm, and it is essential to have a reliable equipment that can handle multiple tasks and increase productivity,” dagdag na pahayag ni Bea sa kanyang vlog.
Credit: Bea Alonzo YouTube
Matatandaan na nabili ni Bea ang kanyang napakalawak at napakagandang farm noong 2011.