Bea Alonzo isa nang proud Kapuso; taos-pusong pinasalamatan ang ABS-CBN na naging tahanan niya ng halos 20 taon

Isa sa mga pinakamalaking bituin sa Philippine showbiz industry ang Filipino-British actress na si Bea Alonzo o Phylbert Angelli Ranollo sa totoong buhay.
Credit: @beaalonzo Instagram
Kabilang si Bea sa mga mahusay na artista ng kanyang henerasyon na hinangaan dahil sa kanyang kahanga-hangang talento sa pag-arte at angking kagandahan.
Nasubaybayan naman ng maraming Pilipino ang pag-usbong ng karera ni Bea sa showbiz bilang isang talent artist sa Kapamilya network.
Kaya naman maituturing na isang malaking hakbang ang ginawa ni Bea bilang isang artista nang magdesisyon siyang lumipat ng ibang istasyon ngayong taon.
Credit: @beaalonzo Instagram
Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang ibalita ng GMA Network sa kanilang mga social media account ang paglipat ng isa sa mga ‘biggest artist’ sa Philippine showbiz. Kaagad namang nahulaan ng marami kung sino ang nasa likod ng teaser photo na ibinahagi ng GMA na walang iba kundi si Bea.
Nakumpirma rin kalaunan ang balitang paglipat ni Bea sa Kapuso network nang ihayag mismo nito sa kanyang Instagram na isa na siyang Kapuso.
Nito lamang July 1 ay tuluyan nang namaalam si Bea sa ABS-CBN network na naging tahanan din niya ng halos dalawang dekada matapos siyang pumirma ng isang 3 taong exclusive contract sa GMA.
Credit: @gmanetwork Instagram
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Bea ang litrato niya kuha mula sa ginanap na contract signing niya kasama ang ilang matataas na opisyal ng GMA.
Sa kanyang paglipat ay hindi naman nakalimutan ni Bea na pasalamatan ang mga kasamahan niya sa ABS-CBN na aniya, tumulong para mahasa ang kanyang talento sa pag-arte at nagbukas din ng maraming oportunidad para sa kanya bilang isang artista.
Credit: @gmanetwork Instagram
Ani Bea, “Today, I officially became a KAPUSO. ❤️ I would like to thank everyone who has been a part of my 20-year journey, my fans, my colleagues, and the people who gave me opportunities and who have helped hone my talent. To my ABS-CBN family, MARAMING SALAMAT PO.”
Dagdag pa ni Bea, habambuhay siyang magpapasalamat sa lahat ng ibinigay ng ABS-CBN sa kanya.
Lubos din ang pasasalamat ni Bea sa kanyang bagong pamilya dahil sa tiwala na ibinigay umano nito sa kanya.
View this post on Instagram
Saad ni Bea, “And now, I am entering a new chapter…To my GMA family, I am humbled that you put your trust in me,”
Dagdag ni Bea, “I am beyond excited to be able to learn and grow in my new home. Here’s to new beginnings”
Si Bea ay napabalitaang gaganap sa upcoming Kapuso teleserye na “A Moment To Remember” kasama ang aktor na si Alden Richards.