Bea Alonzo, pinasaya at biniyayaan ang kanyang mga kasambahay, isang delivery rider at fan!

Bea Alonzo, pinasaya at biniyayaan ang kanyang mga kasambahay, isang delivery rider at fan!

Itinuturing na ‘anghel’ ng kanyang tahanan ng aktres at vlogger na si Bea Alonzo ang kanyang mga kasambahay.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Walang katumbas ang pasasalamat ni Bea sa kanyang mga kasambahay na ginagawa ang lahat para lamang umano maging komportable siya habang nananatili siya sa kanyang bahay. Kaya naman sa laki ng sakripisyo ng mga ito bilang kanyang mga kasambahay, naisip ni Bea na maghanda ng isang masayang palaro para sa kanila.

Napuno ng tawanan at saya ang naisip na palaro ni Bea na tinawag niyang ‘Labor Games’ kung saan ay naglaro siya at ang kanyang limang kasambahay ng iba’t ibang exciting games.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Kasabay ng selebrasyon ng Labor Day ay pinasaya at biniyayaan ni Bea ng mga papremyo ang kanyang mga kasambahay.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Limang laro ang kanilang nilaro at ang itinanghal na panalong pair sa huli ay nakatanggap ng P40,000 pisong premyo mula kay Bea. At kahit natalo ang ibang kasambahay ni Bea, winner pa rin ang kanilang pakiramdam dahil bukod sa nag-enjoy sila, binigyan pa sila nito ng tig-5 libong cash at load.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Talaga namang sinigurado ni Bea na lahat ng kanyang mga kasambahay ay uuwing may ngiti sa kanilang mga labi.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Samantala, bukod sa kanyang mga kasambahay, kinilala rin ni Bea ang sakripisyo ng mga frontliner ngayong panahon ng p@ndemya. Mapapanood sa vlog ni Bea na may pamagat na “Paying It Forward” ang pamamahagi niya ng P15,000 cash at P5,000 load sa isang maswerteng delivery rider na naghatid ng kanilang pagkain.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Isang fan din ni Bea na nagtatrabaho bilang isang medical frontliner ang nakatanggap ng P20,000 cash mula sa kanya.

Credit: Bea Alonzo YouTube

Lahat ng ipinamahaging biyaya ni Bea ay idinaan niya sa pamamagitan ng online application na PayMaya.

“In these trying times, I can’t help but thank those who go the extra mile to keep us all safe. To our frontliners, delivery drivers, and especially the angels in our household who ensure our safety and health, THANK YOU.?? To pay it forward, I’ll be using my PayMaya to Send Money to their accounts and buy them load so it’s safer and more convenient,” ani Bea.

Ysha Red

error: Content is protected !!