Beks Batallion, nagulat nang magtaray sa kanila si Francine Diaz!

May mga pagkakataon talaga sa buhay na nag-iiba ang ating pakikitungo sa mga tao marahil ay dahil sa posisyon nila sa ating buhay. Kapag nasa harap ng malalapit na mga kaibigan, natural at magaan talaga ang ating pakiramdam ngunit kapag ‘yung mga tao na hindi natin masyadong feel ang vibe o ‘yung mga tao na hindi natin masyadong kilala, either nagiging plastik o nagiging obvious sa ating expression ang tunay nating nararamdaman ngunit sadyang may mga tao talaga na mabait kahit sino pa man ang kanilang kaharap at kausap katulad na lamang ni Francine Diaz na walang pinipiling kaibiganin.
Credit: Francine Diaz YouTube
Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na magulo talaga ang buhay sa showbiz dahil may celebrities talagang mabait lamang sa harap ng kamera dahil may reputasyong iniingatan ngunit sa mundo na may bahid ng kalinlangan, tila’y isang gem ang nag-iisang Francine Diaz dahil ilang ulit lang naman niyang napatunayan na totoo talaga siya sa kanyang sarili.
Mula sa inosenteng mukha, masasabi talaga kaagad na isang mabait si Francine at ilang ulit na naman natin siyang natunghayang gumaganap ng mababait na roles ngunit taliwas sa nakasanayan nating characters na isinasabuhay niya, kering-keri rin pala ng aktres na magsungit. Sa katunayan, pinabilib lang naman niya tayo sa kanyang acting skills kung saan ay matagumpay lang naman niyang napaniwala ang Beks Batallion, isang grupo ng mga Pinoy komedyante na sina MC Calaquian, Chad Kinis, at Lassy Marquez.
Credit: Francine Diaz YouTube
Sa episode na ibinahagi ni Francine sa kanyang Youtube channel nito lamang nakaraang linggo, mapapanood kung paano niya napaniwala ang Beks Batallion na isa siyang malditang aktres, isang kabaliktaran sa impression ng karamihan sa kanya.
Habang nasa dressing room at inaasikaso ng kanyang staff, patuloy sa pagni-nitpick si Francine na labis na ikinagulat ni Chad, Lassy, at MC na magkakasunod na dumating. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa pag-aattitude ng aktres lalo na’t sa harap ng kamera ay sobrang kulit at bubbly nito?
Bagama’t patuloy sa pagpaparinig at pagsusungit si Francine, nananatili namang patient at kalmado ang trio. Sa katunayan, wala silang tigil sa pag-crack ng jokes dahilan kung bakit medyo gumaan ang atmosphere sa dressing room sa kabila ng convincing na pagmamaldita ng 18 taong gulang na aktres.
Credit: Francine Diaz YouTube
Nang sa wakas ay hindi na natiis ang kanyang pagsusungit, ibinunyag na ni Francine na prank lamang ang lahat at inaming gusto lamang niyang magkaroon ng twist ang kanilang official na meet at greet bago sumabak sa kanilang collaboration.
Credit: Francine Diaz YouTube
Kung noon ay ang Beks Battalion ang palaging nangunguna sa pagbibiro, tila’y wala namang makakatalo sa pagiging master ni Francine Diaz sa pranks!