Belle Mariano, excited sa pagpapatayo ng bahay para sa kanyang buong pamilya!

Belle Mariano, excited sa pagpapatayo ng bahay para sa kanyang buong pamilya!

Sa wakas, narinig na ng universe ang hiling ni Belle Mariano dahil ngayon, inaasikaso lang naman niya ang pagpapatayo sa sarili niyang bahay! Kung noon ay simpleng pangarap lamang ito ng aktres, ngayon ay totoo na!

Credit: @belle_mariano Instagram

Wala talagang imposible sa buhay lalo na kung sinasabayan ito ng sipag at tiyaga dahil naririnig talaga ng universe ang mga hiling ng ating puso katulad na lamang ni Belle Mariano na pinatunayang hindi lamang siya isang brilliant na star sa showbiz ngayon kundi ay pati na rin sa buhay niya sa likod ng kamera.

Una nating natunghayan si Belle Mariano sa TV noong ipinalabas ang sikat na teleseryeng “Lorenzo’s Time” na pinagbidahan ni Zaijan Jaranilla at Carmina Villaroel. Maliban nito, napanood din natin siya sa “Princess and I,” at “Maalaala Mo Kaya” hanggang sumabak siya sa “Goin’ Bulilit” kung saan ay mas na-appreciate pa ng karamihan ang angkin niyang husay at galing sa pag-arte.

Matapos grumadweyt sa “Goin’ Bulilit,” patuloy pa rin ang pamamayagpag ni Belle sa industriya ng showbiz hanggang nabigyan nga siya ng ultimate na pagkakataon na muling ipamalas ang kanyang talento sa pag-arte at ito ay ang pagganap niya bilang si Maxpein sa Wattpad adaptation serye na “He’s into Her” kung saan nagsimulang nag-click ang tambalan nila ng kanyang leading man na si Donny Pangilinan.

Sa success ng “He’s into Her,” mas nakatanggap pa ng maraming opportunity si Belle at ito ay ang pagkakaroon nila ng kaliwa’t kanang movies ni Donny Pangilinan na “Love is Blind” at “An Inconvenient Love” na kasalukuyang patok ngayon sa mga kabataan dahil sa kilig at pangmalakasang chemistry na hatid nilang dalawa.

Credit: @belle_mariano Instagram

Sa patuloy na paglago ng career ni Belle, nananatili naman siyang grounded at humble. Sa katunayan, sobrang wais pa nga niya sa pagha-handle sa kanyang finances lalo na’t matagal na niyang gusto na makapagpatayo ng sariling bahay.

Matapos ang ilang taon simula nang labis siyang umangat sa kasikatan, sa wakas ay nasimulan na rin ng aktres ang pagpapatayo ng bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya dahil nito lamang Linggo, February 19 ay nagkaroon lang naman sila ng groundbreaking ceremony.

Ayon kay Belle, hindi pa rin siya makapaniwalang unti-unti ng nagkakatotoo ang pangarap niyang makapagtayo ng sariling bahay kaya maya’t maya talaga ang pagkurot niya sa sarili, nagbabasakaling guni-guni lamang itong lahat.

Credit: @belle_mariano Instagram

“Still pinching myself! Dreams really do come true,” sulat niya sa kanyang caption.

Sa mga larawang ibinahagi ng 20 taong gulang na aktres sa Instagram, makikitang kasama niya ang kanyang buong pamilya sa ginanap na groundbreaking ceremony kung saan ay magkakapareho silang nakahawak ng kulay gintong shovel.

May mga pagkakataon talaga sa buhay na nagugulat na lamang tayo sa blessings na meron tayo pero kung tayo’y magbabalik-tanaw sa lahat ng effort na ibinigay natin sa lahat ng ginagawa ay mapapasabi na lamang talaga tayo na dasurv natin ang lahat ng meron tayo ngayon pero sa kabila ng success na tinatamasa ngayon ni Belle Mariano bilang isang celebrity ay nananatili pa rin siyang humble at inaalay ang katuparan ng kanyang mga pangarap sa lahat ng mga taong sumusuporta at nagmamahal kanya.

Credit: @belle_mariano Instagram

Congratulations, Belle!

Ysha Red

error: Content is protected !!