Bernadette Sembrano, ikinuwento na pinagkamalan noong janitor ang kanyang asawa

Hindi nakabase sa estado sa buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng pananampalataya at maayos na pakikitungo sa kapwa dahil dumedepende naman ito sa kabutihan ng ating puso.
Credit: @iambernadettesembrano Instagram
Bawat isa sa atin ay may mga pangarap at sa kagustuhan nating magtagumpay ay natural lamang na ginagawa natin ang lahat upang maabot ang mga ito pero dahi sa matatayog na ambitions ay may iilan na nakakaapak na ng ibang tao para makaangat lamang sa buhay kaya importante talaga na manatili tayong humble at palaging paalalahanan ang sarili na hinding-hindi natin maaabot ang lahat ng meron tayo ngayon kung hindi tayo marunong lumingon sa pinanggalingan.
Credit: @iambernadettesembrano Instagram
Sa bawat pagbukas natin ng telebisyon, hindi lamang drama at mga teleserye ang ating hanap kundi ay pati na rin ang pagkakaroon ng kaalaman sa napapanahong mga balita at isa sa mga tagapaghatid ng news ay si Bernadette Sembrano. Dahil sa kanyang kahusayan sa ginagawa, marami talaga ang bumibilib sa kanya pero gaano nga ba natin siya kakilala maliban sa katotohanang isa siyang magaling na anchor?
Sa interview kasama si Ogie Diaz kumakailan lamang, mas nakilala pa ng netizens si Bernadette sa personal na level dahil maliban sa kanyang work bilang isang anchor, naikuwento din niya kung gaano kalaking impact ang naidulot ng kanyang asawa na si Orange Aguinaldo sa kanyang buong pagkatao.
Maliban sa pabaong “life lessons” ng kanyang asawa na palaging isinasapuso ni Bernadette, sobrang bilib din siya sa pagiging humble nito dahil kahit na’y stable man sila sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay ngayon ay inilalagay umano ni Orange ang kanyang sarili sa sitwasyon ng ibang tao katulad na lamang ng mga taong kumikita sa pangangalakal.
Pagkukuwento ni Bernadette, naisip umano ng kanyang asawa na subukan ito nang may nakitang nangangalakal sa tapat ng kanilang bahay hanggang napamahal nga siya sa ginagawa at nagpatayo ng junk shop sa Cavite.
Credit: @iambernadettesembrano Instagram
Pagbabahagi pa niya, may mga pagkakataon pa nga na napagkamalan ang kanyang asawa bilang janitor pero sa kabila ng magkakaibang comments ng ibang tao ay proud pa rin niya itong ipinagpapatuloy.
“Naalala ko sinabi dati ni asawa sa’kin. No’ng nangangalakal siya, napagkakamalan siyang janitor minsan kasi at that time, nasa public office siya tapos may dala-dala siyang kalakal, and sabi sa akin ni asawa, ‘It keeps me humble,'” pagbabalik-tanaw ni Bernadette.
Credit: @iambernadettesembrano Instagram
Hindi man pangkaraniwan para sa isang asawa ng anchor na gumawa ng ganitong klaseng bagay, hindi naman ito ikinakahiya ni Bernadette. Sa katunayan, sobrang proud pa nga niya dahil sa kabila ng estado ng kanilang buhay ay na-aapreciate umano ng kanyang asawa ang humble na pamumuhay.