Bettina Carlos, na-amaze sa perpektong timing ni God!

Bettina Carlos, na-amaze sa perpektong timing ni God!

Kapag mayroon tayong problema o nagpapatong-patong man ang mga pasanin sa buhay, talagang naiisip natin na sobrang unfair naman. Minsan, sinisisi pa ng karamihan ang paraan ng Panginoon ngunit sa huli, napagtatanto naman natin na may purpose pala ang lahat at makakatanggap din tayo ng kaginhawaan sa tamang panahon.

Credit: A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo YouTube

Marahil ay marami sa atin ang nagtatanong kung kailan nga ba ang tamang panahon? Walang nakakaalam ngunit tanging sarili mo lamang ang makakapagsabi katulad na lamang ni Bettina Carlos na kumakailan lamang ay na-amaze dahil sa perpektong timing umano ni God.

Isa si Bettina Carlos sa mga kilalang TV host ngunit maliban sa kanyang pagkakakilanlan sa industriya ng showbiz, isa rin siyang mapagmahal na asawa at ina. Matatandaan nito lamang January nang ipinagbubuntis niya ang ikalawa sanang anak na si Wammy ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nakunan siya dahilan kung bakit nakaramdam siya ng depression.

Credit: A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo YouTube

Bilang isang ina, talagang nararamdaman ni Bettina ang bawat movement ni baby Wammy sa kanyang sinapupunan kaya nang nakunan, talagang napakasakit ng pangyayaring ito sa kanya ngunit dahil sa kanyang matatag na pananalig, naniwala siyang may mas malaking purpose at plano ang Panginoon para sa kanya at para sa kanyang pamilya.

Tunay nga sa kanyang paniniwala, muling nabiyayaan ng blessing si Bettina makaraan ang tatlong buwan simula nang nawala si baby Wammy. Pagkukuwento niya, January 28 umano nang dumaan siya sa operasyong pelvic laporotomy at advise ng kanyang doctor, kailangan umano nilang maghintay ng anim na buwan bago nila subukang muli ng kanyang asawang si Mikki Eduardo na mag-conceive ngunit kahit na’y tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas, maaga silang nabiyayaan ng isang blessing.

Credit: A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo YouTube

Sa vlog na ibinahagi ni Bettina sa Youtube nito lamang, masaya niyang ibinalita na kasalukuyan siyang nagdadalang-tao. Kahit na’y hindi man tumugma sa anim na buwang advise ng kanilang doktor, naniniwala naman siyang perfect ang timing ng Panginoon dahil unti-unti na umano siyang nakaka-move on sa pagkawala ni baby Wammy.

“But you know, talagang si God ang higher authority, more sovereign over the doctors. Si God talaga ultimately may hawak ng time. He’s all powerful to dictate life when to allow to happen,” pahayag ni Bettina.

Credit: A Blessing Channel by Bettinna Carlos-Eduardo YouTube

Dagdag pa niya, “I wasn’t fully emotionally secure yet and it was only when it was okay na na-resolve na, naayos na, tapos na, closed book na kung anuman mga issues ko and that’s when the Lord came so alam Niya talaga ‘yung timing for anything.”

Kapag may sapat na pananalig sa Panginoon, talagang maiintindihan natin na may purpose pala ang lahat ng pinagdadaanan nating sakit at paghihirap. Congratulations, Bettina!

Ysha Red

error: Content is protected !!