Bettinna Carlos, ipinost ang mga nakakatawang letrato na kinunan ng asawa niya habang nagsusurf sila

Bettinna Carlos, ipinost ang mga nakakatawang letrato na kinunan ng asawa niya habang nagsusurf sila

Kilig overload ang hatid ni Bettinna Carlos at ng kanyang asawa na si Mikki Eduardo sa fans nang ipinasilip nila ang highlight ng kanilang surfing session!

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

Ngayon na kasalukuyang namamalagi sa La Union kasama ang anak na si Amanda Lucia at ang asawa na si Mikki, talagang sinusulit ni Bettinna ang bawat oras niya sa mga bagay na nagpapagaan ng kanyang loob.

Kasalukuyan ngayong nasa break ng kanyang trabaho sa showbiz, abala ngayon ang aktres slash TV host na si Bettinna sa pagsu-surf. Wala masyadong alam sa surfing, malaki ang pagpapasalamat ni Bettinna sa kanyang asawa na si Mikki dahil sa walang-sawa nitong pagtuturo sa kanya.

Biyernes, Novermber 13 nang ibinahagi ni Bettinna sa kanyang Instagram account ang highlight sa kanilang masayang surfing session kung saan ay makikita ang kanyang nakakagiliw na reaksyon sa bawat larawan.

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

Napapa-wow man ng ibang celebrities ang netizens sa kanilang “surfing photos,” walang katapusang tawa naman ang hatid ni Bettinna sa epic at candid niyang mga larawan na kuha umano ng kanyang asawa nang sila’y nasa kalagitnaan ng kanilang “surfing session”.

Ayon kay Bettina, “Hindi pala nakakaglamorous ang surfing!”

Taliwas sa pag-aakala ni Bettinna na maganda ang kalalabasan ng kanyang mga larawan, hindi niya naiwasang ikumpara ang sarili sa mga kaibigan niyang “poise na poise” at “swabe” umano sa kanilang mga larawan kapag nagsu-surf.

Tinanong din ni Bettinna ang kanyang asawa ng, “Ano ba problema Love? Ako ba o ako?😆😄🤪”

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

Kaagad naman na humingi ng “sorry” si Mikki Eduardo sa comment section at sinabing mas mabuti na siya ngayon sa pagkuha ng larawan.

“Haha sorry love. Nag improve naman ako diba 🙌,” komento ni Mikki.

Natawa naman ang kanilang fans sa hirit at kulitan nina Bettinna at Mikki ngunit hindi lamang purong katatawanan ang hatid ng couple dahil marami rin ang kinilig sa naging reply ni Bettinna sa komento ng asawa.

“@mikki.e.eduardo o naman. Bawing bawi sa ibang bagay 🤪🥰🤭,” sagot ni Bettinna.

Credit: @bettinnacarlos.eduardo Instagram

Sa pinakabagong post ni Bettinna kung saan ay mapapanood ang kanyang asawa na sobrang nag-enjoy sa pagsu-surf sa malalaking alon, ikinuwento ng aktres na malaki umano ang kanyang pasasalamat sa pagdating ni Mikki sa kanyang buhay.

Ayon pa kay Bettinna, “What surf is actually doing to me: teaching me more about life than merely reading waves and riding them.❤️”

Naging bonding na rin ng mag-asawa ang pagsu-surf at sa pamamagitan nito, mas naipapabatid pa nila ang kanilang walang wagas na pagmamahalan para sa isa’t-isa.

Ysha Red

error: Content is protected !!