Bettinna Carlos, masayang may tatay na na maghahatid sa anak na si Gummy

Bettinna Carlos, masayang may tatay na na maghahatid sa anak na si Gummy

Matapos ang higit dalawang taong online class dahil sa pandemya, back-to-school na rin ang anak ni Bettinna Carlos na si Gummy. Pinost nito ang mga nangyari sa kaniyang pamilya sa unang araw ng pasok.

Credit: @bettinnacarlos_eduardo Instagram

Hindi lang sabik ang aktres sa pagbabalik eskwelahan ng kaniyang anak na si Gummy, pati na rin ang unang araw ng kanilang “Daddy driver”, na kaniyang asawa na si Mikki Eduardo. Ayon sa aktres, ito ang first time nila na magkaroon ng daddy driver.

“First day not only for our 6th grader to go back to face to face classes (although on a hybrid arrangement) but also for us to have a Daddy drive us to school!!! Huhuhu. May daddy driver na kami. Hehehe,” sinulat niya sa kaniyang post.

Sa post ni Bettinna, sabay na umakyat ng hagdan ng eskwelahan ang kaniyang mag-ama. Matatandaan na kinasal si Bettinna at Mikki noong December 2020, nagsimula rin ang relasyon ng dalawa sa parehong taon. Taong 2021 naman ng napagdesisyunan ng pamilya na lumipat sa la union at simulan ang kanilang “probinsya life”.

Credit: @bettinnacarlos_eduardo Instagram

Binalikan din ni Bettinna ang huling taon na pumasok ang kaniyang anak sa face-to-face class. Nasa third grade pa lamang ang anak nito noon. Kinumpara niya ang larawan noon at ngayon ng kaniyang anak na nasa sixth grade na.

“I think you grew a foot, anak!” caption nito sa larawan.

Ayon sa kwento ng aktres, maagang nagising si Gummy para magasikaso para sa unang araw ng pasok sa eskwelahan. Siya rin daw ang nag-prepare ng kanilang breakfast.

“G woke up veeery early today. Before her alarm and before mine. 8 pa ang pasok besh 5am nangangalabit na!” sey nito.

Credit: @bettinnacarlos_eduardo Instagram

“Made her breakfast (siya daw gagawa ng breakfast namin everyday which is smoothie bowl kasi mabilis lang daw),” dagdag nito.

Nagbasa rin muna ito ng Bibliya bago pumasok.

“She did her quiet time which I pray she will wholeheartedly do and continue until she’s old!” sabi nito.

Request din ng kaniyang anak na ayusan ito dahil sa unang araw din sila kukuhanan ng picture para sa kanilang school ID.

Credit: @bettinnacarlos_eduardo Instagram

“Request nya since ID photo is taken on the first day of school ay pakikulot daw siya. So may maagang kulutan pang naganap!”

Nagiwan ng mensahe si Bettinna para sa mga magulang ng estudyante na habaan ang pasensya sa kani-knilang school dahil ang lahat naman ay nagaadjust pa sa pagbabalik matapos ang mahigit na dalawang taon nahinto ang f2f dulot ng pandemya.

“I’m sure it’s hard to run a school, what more now with different modalities of learning! Plus managing the requests/complaints of different parents. (So parents please let’s also be gracious to the schools—lahat tayo nahihirapan at nag-adjust.).”

Ysha Red

error: Content is protected !!