Bianca Lapus at Vhong Navarro, magkasama sa graduation ceremony ng anak

Kakaiba talaga sa pakiramdam kapag umaakyat tayo sa stage at nakikita sa dagat ng mga tao na kumpleto ang ating pamilya. Bilang isang mabuting anak, isa talaga sa ating mga pangarap sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral at matagumpay na makita ang satisfaction mula sa ngiti ng ating mga magulang dahil sa pamamagitan nito, nasusuklian natin ang lahat ng kanilang sakripisyo para makarating tayo sa kinatatayuan natin ngayon.
Credit: @vhongx44 Instagram
Sa libo-libong grumadweyt ngayon, isa sa mga ito ay ang anak ni Bianca Lapus at Vhong Navarro na si Isaiah. Sa special na occasion na ito, magkasamang umattend ang dating mag-asawa at pinatunayan na kahit matagal namang hiwalay, walang kahit anong hinanakit ang namamagitan sa kanila.
Sa mga larawang ibinahagi ni Vhong sa kanyang Instagram account, makikita at mapapansin talaga na walang “bad blood” sa dalawa. Imbes, proud-looking pa nga ang dalawa dahil sa matagumpay na pagtatapos ni Isaiah sa college, isa sa mga pangarap nila sa anak bilang mga magulang.
“Masarap sa pakiramdam bilang magulang na makatapos ng pag-aaral ang anak nila. Maraming salamat @yceking sobrang nakaka proud ka!❤️😘 We love you much! 😍,” sulat ni Vhong sa kanyang caption.
Credit: @vhongx44 Instagram
Sa Twitter naman, nagpahayag ng saloobin ang aktres-host na si Bianca kung gaano siya ka-proud sa achievement na ito ng anak.
“❤️🧑🎓🎉 We love you @ycenavarro we are so proud of you 💗 congratulations 🎉❤️,” pahayag ni Bianca sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan sa dinner nila bilang celebration sa graduation ng anak.
Credit: @vhongx44 Instagram
Sa isang hiwalay na tweet, ibinahagi niya na matagumpay na na-maintain ni Isaiah ang pagiging Dean’s Lister dahilan kung bakit hindi siya magsasawang sabihin na sobrang proud siya sa anak.
“Thank You 😊 we are very proud parents of @ycenavarro ❤️ saw the comments and greetings . He’s a consistent dean’s lister and the top reason why we are proud of him is that he grew up to be a kind hearted gentleman who still kiss us and says I love you all the time,” tweet ni Bianca.
Credit: @vhongx44 Instagram
Isa lamang ang graduation sa mga pinakaimportanteng event sa buhay natin dahil dito nare-recognize ang ating achievements at ito rin ang pagkakataon kung saan ay masasaksihan natin ang proud na reaction ng ating mga magulang. Bagama’t matagal namang hiwalay sa isa’t-isa, nanatili naman ang mabuting connection ni Bianca at Vhong na siyang labis na ipinagpapasalamat ng kanilang anak na si Isaiah.