Billboard ng JAG Queen ng Pinas na si Herlene Budol, agaw-pansin sa EDSA!

Bago pa man pinasok ang mundo ng showbiz at nakilala bilang si “Hipon Girl,” dati na talagang madiskarte sa buhay si Herlene Budol at bagama’t isa naman ngayon sa sikat na personalidad sa telebisyon, nananatili pa rin siyang mapagkumbaba dahilan kung bakit nagsisilbi siya ngayong inspirasyon para sa mga taong nais na makamit ang kaginhawaan ng buhay.
Maliban sa pagiging natural ni Herlene Budol sa pagiging isang komedyante, napakalaki rin ng kanyang potential bilang isang beauty queen dahil noon pa man, dati na talaga siyang sumasali sa mga pageant kaya nang napagdesisyunan niyang sumali sa Binibining Pilipinas, na-unleash talaga ang itinatago niyang husay at galing sa pagrampa at pagsagot sa impromptu at mahihirap na mga tanong na talaga namang nakakakaba ng damdamin.
Bagama’t first runner-up lamang, tinagurian naman si Herlene bilang hakot queen dahil napasakanya lang naman ang karamihan sa mga award at kabilang na nga sa mga ito ay ang pagiging “JAG Queen” o official na endorser at modelo ng JAG brand sa Pinas.
Isa ang JAG sa mga sikat at pinakamahal na brand ng mga damit kaya aminado talaga si Herlene na napakasaya niya nang napanalunan niya ang titulo na “JAG Queen” dahil ang maging face ng ganitong klaseng brand ay isa lamang sa kanyang mga pangarap noon.
View this post on Instagram
Matapos itanghal bilang “JAG Queen” sa Binibining Pilipinas, sa wakas ay natunghayan na ng publiko si Herlene na rumarampa suot ang isang kulay blue na gown na kaagad namang nag-switch sa kanyang denim na outfit matapos niyang umikot dahil kumakailan lamang, featured lang naman siya sa 3D LED billboard sa EDSA!
Matapos ang pangmalakasang pagrampa ni Herlene, makikita siyang kumakaway sa mga passerby na talaga namang nagbigay ng panibagong relief sa EDSA sa kabila ng mabigat na traffic.
Sa karangalan na ma-feauture sa napakalaking 3D LED billboard sa EDSA, ipinahayag talaga ni Herlene sa Facebook at Instagram ang kasiyahang nararamdaman niya dahil ang noo’y pangarap niyang makita ang sarili sa billboard ay realidad na ngayon.
“Dream to reality. Makikita nyo na ang First Biggest 3D LED Billboard in The Philippines along Edsa. Thank you Jag sa once in a lifetime opportunity na pinakauna ma-feature sa 3D LED billboard,” ayon kay Herlene.
Kakaiba talaga sa pakiramdam na ang noo’y inaakala nating pangarap na imposibleng matutupad ay nasasaksihan nating nagkakatotoo kaya abot-langit talaga ang kaligayahang nararamdaman ni Herlene ngayon lalo na’t lately, ramdam na ramdam umano niya ang natatanggap niyang mga biyaya.
Mula pa man noong una natin siyang napanood sa telebisyon, kapansin-pansin na talaga ang taglay na kagandahan ng nag-iisang Herlene Budol at habang tumatagal, mas lalo lamang siyang gumaganda kaya ngayong feautured siya sa 3D LED billboard sa EDSA, effortless talaga niyang napapalingon ang karamihan dahil sadya naman kasing nakakahalina ang kanyang beauty!