Boyfriend ni Rabiya Mateo na si Neil Salvacion, kinumpirmang hiwalay na sila ng beauty queen

Kamakailan lamang ay lumaban si Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020 bilang representative ng Pilipinas. Siya ang nagwagi sa titulong Miss Universe Philippines at proud na nirepresenta ang bansa ngunit hindi siya nakaabot sa Top 10 dahilan para malungkot ang karamihan, lalong-lalo na ng mga Pilipinong malaki ang naging pag-asa na iuuwi ni Mateo ang korona matapos ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Credit: @rabiyamateo Instagram
Bago pa man sumabak sa Miss Universe ay nakapanayam niya si Dyan Castillejo kung saan nabanggit niya na may boyfriend siya at anim na taong na niya itong nakakasama mula pa noong sila’y parehong nasa kolehiyo. Ikinagulat din ng marami nang malamang si Neil Salvacion ang unang boyfriend ng dalaga.
Ibinahagi rin ni Rabiya Mateo sa publiko ang ginawang video na nangangakong hindi sila maghihiwalay ng kasintahan kahit manalo man siya at makamit ang ‘Miss Universe 2020’ title. Naging kampante naman ang mga netizens na mula noo’y nakatutok at nakasubaybay na sa kanilang relasyon.
Credit: @rabiyamateo Instagram
Ilanga raw pagkatapos ng laban sa Miss Universe ay nag-post si Rabiya sa kanyang Instagram story ng larawan kung saan kasama niya ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouilette at magkasabay silang kumain sa isang restaurant sa Bevery Hills dahilan ng pag-usbong ng mga spekulasyon.
Mas uminit lamang ang chika nang mag-post rin ang binatang si Brouilette sa kanyang Instagram ng parehong larawan na may caption na, “Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo.”
Kaagad namang itinanggi ni Rabiya Mateo ang mga spekulasyon ng mga netizens at nilinaw na walang romantikong ugnayan sa kanilang dalawa ni Andre Brouilette.
Credit: @rabiyamateo Instagram
Sa interbyu ni Rabiya kasama si Boy Abunda ay inamin ng dalaga na “kumplikado ang sitwasyon” nila ng boyfriend na si Neil at umaasa na sa pagbalik niya sa Pilipinas ay maayos pa nila ang kanilang problema.
Dahil sa mga kumakalat na chismis kaugnay sa kanilang relasyon ay nalungkot si Neil Salvacion at nagpahayag ng kanyang damdamin noong June 4 sa kanyang Instagram story at kinumpirma na rin na hiwalay na nga silang tuluyan ng long-time girlfriend.
Credit: @neilow Instagram
“Spreading rumors without even knowing the real story is just too much. We don’t deserve all the negativities manifested toward us, esp towards Rab, she worked hard to achieve whatever she has right now, and she deserves it all,” saad ni Neil.
“The real thing is, we’re not together anymore,” pagkumpirma niya sa estado ng relasyon nila ni Rabiya matapos ang anim na taong pagsasama.
Credit: @rabiyamateo Instagram
Inudyok niya rin ang netizens na nang-bash kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na “spread kindness and be respectful to each other,” at binanggit na hindi naman nagkakahalaga ng kahit isang kusing ang pagiging mabait.