Buboy Villar, kinabog ang naunang entries sa timelapse challenge!

Mas masaya talaga sa Pinas dahil hindi lang naman nauubusan ng mga ideya pagdating sa kalokohan tayong mga Pinoy dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na gagawing challenge ang timelapse?
Credit: Buboy Villar Facebook
Simula nang pumatok sa social media ang timelapse challenge kung saan ay pilit na ginagaya ng karamihan ang totoong timelapse na video sa pamamagitan ng pagdodoble sa bilis ng kanilang bawat kilos, marami talaga ang sumabak at nakisali nito. Kung noon ay nakakaaliw at nakakatawa talaga ang napapanood nating entries, ibinahagi naman ni Buboy Villar ang kanyang unkabogable na version ng timelapse kung saan ay kinabog niya ang lahat ng naunang entries dahil sa matinding pagkakatulad nito sa totoong timelapse na video.
Sa video na in-upload ng 24 taong gulang na aktor at komedyante sa Instagram at Tiktok, mapapanood ang pagsabak niya sa sikat na challenge ngayon kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang kahusayan sa ginagawa.
Mula sa pagsusuot ng mask, bawat kibot ng bibig habang nagsasalita, paggalaw-galaw sa upuan, pagtayo, pagsusuot ng shades pati sa pagtawa ay muntik nang mapaniwala ni Buboy ang mga manonood na totoo nga siyang gumagamit ng timelapse.
“Pwede na?” sulat niya sa caption na sabay-sabay namang sinagot ng fans ng “Pwedeng-pwede!”
Sa dabest niyang entry, marami talaga ang nagpahayag ng kanilang paghanga dahil hindi umano madaling gayahin ang timelapse lalo na’t higit pa sa doble at triple ang speed ng bawat kilos nito pero ibahin niyo ang nag-iisang Buboy Villar dahil effortless lang naman niya itong nagawa.
Credit: Buboy Villar Facebook
“Hahahahahaha sooo good!!!👏😂”
“HAHAHHAHAHAHAHAHAHA HUUUYYY!!! TAWANG-TAWA AKOOOO😂 😂 😂”
“Ang dami kong tawa 😂🤣🤣🤣”
“Kala ko totoo @buboyvillar 😂 😂 😂”
Credit: Buboy Villar Facebook
“Napakagaling naman talaga!!!”
Sa kabog na kabog niyang entry, taob talaga ang naunang entries kaya unanimous ang desisyon ng publiko na pasadong-pasado si Buboy sa timelapse challenge. Dahil nito, marami talaga sa netizens ang napatanong kung meron pa bang ibang bagay na hindi kayang gawin ni Buboy Villar dahil tila’y chicken lamang sa kanya ang halos lahat ng challenge na ibinabato sa kanya.