Buboy Villar, malungkot na dinala sa airport ang bunsong anak na lilipad patunong Amerika

Buboy Villar, malungkot na dinala sa airport ang bunsong anak na lilipad patunong Amerika

Para kay Buboy Villar, ang airport yata ang lugar na punong-puno ng malulungkot niyang mga alaala dahil sino ba naman kasi ang hindi magiging emosyonal kapag pinapanood mo ang iyong mga anak na umaalis at alam mo na na hindi mo sila makakapiling sa loob ng isang buwan o higit pa?

Credit: Buboy Villar YouTube

Bagama’t matagal namang magkahiwalay, nananatili pa rin ang mabuting relationship ni Buboy Villar at Angillyn Gorens. Malayo man sa isa’t-isa, nagagawa naman nilang mapalaki ng maayos ang dalawang mga anak pero dahil nasa America ngayon ang kanilang Mommy Angillyn, pabalik-balik sina Vlanz at George sa America at Pilipinas. Sa tuwing umaalis, hindi napipigilan ni Buboy na maiyak dahil sa pangungulila niya sa mga ito.

Bilang isang magulang, nais talaga ng komedyante at Kapuso actor na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak at dahil alam naman nila ng kanyang ex-partner na si Angillyn na maibibigay nila ito sa kanila, handa si Buboy na mangulila kapag nagpupunta ang mga anak sa America upang ma-process ang kanilang US citizenship.

Credit: Buboy Villar YouTube

November noong nakaraang taon nang unang lumipad patungong America ang panganay ni Buboy na si Vlanz at ngayon namang Marso, si George naman ang pupunta roon dahilan kung bakit muli na namang naging emosyonal ang aktor.

Katulad ng vlog na ibinahagi niya sa kanyang Youtube channel noong hinahatid niya sa airport si Vlanz, muling nagbahagi ng vlog si Buboy noong ika-14 ng Marso kung saan mapapanood ang pagpipigil niya ng emosyon habang hinahatid naman sa airport ang bunsong anak.

“Kumbaga ako naman ay malungkot pero ako, okay ako basta’t para sa future ng mga anak ko, isa-sacrifice ko ‘yan. ‘Yung pagka-miss ko, nandiyan na ‘yan pero mas maganda, i-secure natin ‘yung future nila,” aniya.

Credit: Buboy Villar YouTube

Nang nakarating na sa airport, talagang sinulit ng komedyante ang bawat oras kasama si George. At dahil matagal-tagal na rin simula nang huli niyang nakasama ang panganay na anak, may bilin si Buboy para kay George.

“You hug Ate Vlanz for me ha and kiss Ate Vlanz for me, okay? Ate Vlanz is so excited for you to go there to the America,” sabi niya sa anak.

Credit: Buboy Villar YouTube

Nang nakabalik na sa loob ng van, doon lamang mas naramdaman ni Buboy ang bigat sa kanyang damdamin.

“Ganun talaga, nakakalungkot pero kailangan nating tibayin ‘yung puso’t isipan natin. Ayaw ko rin naman na umiyak sa harapan ng anak ko kasi siyempre, baka umiyak din si George,” ayon kay Buboy.

Bagama’t nalulungkot man, malakas naman ang tiwala ni Buboy na kakayanin niya ang pangungulila sa anak na mamamalagi umano ng isang buwan sa America.

Ysha Red

error: Content is protected !!