Buboy Villar, nabihag ang puso ng isang Korean dahil sa kanyang mga ngiti!

Buboy Villar, nabihag ang puso ng isang Korean dahil sa kanyang mga ngiti!

Kung “k!ller smile” ang meron sa iilan, nakakapagpabuhay naman ang ngiti ni Buboy Villar dahil kahit isang Korean ay hindi naiwasang mahulog sa kanyang nag-uumapaw na karisma.

Credit: @buboyvillar Instagram

Sa tuwing napapanood natin si Buboy sa telebisyon, hindi talaga niya tayo kailanman binibigo pagdating sa katatawanan dahil palagi lang naman siyang may baong jokes o sadyang natural lamang para sa kanya na mapagaan ang ating araw pero hindi lamang pala sa harap ng kamera ang lahat ng ‘to dahil pati sa totoong buhay, nananatili lang naman siyang “ball of sunshine!”

Ngayong tapos na ang “Running Man PH,” kaliwa’t kanan talaga ang pagre-reminisce ng casts sa masasaya nilang moments. Kung isang compilation ng kanilang “tulog version” ang naging remembrance ni Mikael Daez para sa lahat, nagbalik-tanaw naman si Buboy sa kanyang treasured na memory noong nasa kasagsagan ng shoot ng series at ito ay ang encounter niya sa isang Korean na awtomatiko niyang naging isang fan.

Sa kasalukuyan ngayong viral na video ng komedyante, mapapanood na namimili ng drinks si Buboy sa isang convenience store nang nagkasalubong sila ng isang lalaking Korean. Noong una’y hindi pa mawari ng komedyante kung nais ba ng Korean na manlibre o magpalibre sa kanya ng inumin pero sa tulong ng isang interpreter, nalaman ni Buboy na pinapapili pala siya nito ng kahit anong drinks.

Credit: @buboyvillar Instagram

Ang ngiti man ni Buboy ang naging dahilan upang mapansin siya ng lalaking Korean, kaagad naman itong naging fan ng komedyante nang nalamang isa palang bigatin na celebrity sa Philippine showbiz si Buboy at humingi ng autograph.

Maliban sa autograph, may picture rin together ang dalawa na ipinost ni Buboy sa Instagram nito lamang bago kalakip ng pagbabahagi niya sa kanyang makabuluhang realization.

Ayon kay Buboy, hindi umano niya kailanman inakalang may mapapasaya siya sa kanyang ngiti kaya napagtanto niyang kakaiba pala talaga ang epekto ng ating ngiti sa ibang tao dahil sa simpleng paggawa nito, nakakatulong na tayo sa pagpapagaan ng kanilang loob.

Credit: @buboyvillar Instagram

“Basta’t mag smile kalang kahit hindi kayo magkaintindihan.. kasi hindi mo naman alam ang babalik sayo ❤️🤘 Dont Expect Just Smile 😄,” saad ni Buboy.

Tunay nga na nakakahawa ang magagandang ngiti at si Buboy Villar lang naman ang buhay na patunay nito.

Ysha Red

error: Content is protected !!