Buboy Villar, sinulit ang bawat pagkakataong kasama ang panganay na anak bago ito magpuntang Amerika

Buboy Villar, sinulit ang bawat pagkakataong kasama ang panganay na anak bago ito magpuntang Amerika

Bilang isang magulang, iniisip ng mga ito ang kapakanan at ang magiging future ng mga anak kaya kahit na’y kinakailangang mawalay sa isa’t-isa, talagang kakayanin upang mabigyan lamang ng mas magandang buhay ang mga ito na siya namang tanging nais ng isang magulang.

Credit: Buboy Villar YouTube

Maliban sa pagkakakilanlan ni Buboy Villar bilang isang aktor na may hindi matatawarang talento sa pagbibigay ngiti at good vibes sa fans, kilala rin siya bilang isang mabuting ama sa dalawang anak na sina Vlanz at George.

Abala man sa trabaho, hindi kailanman nawalan ng oras si Buboy na makapiling at makapag-bonding kasama ang mga anak kaya naman talagang kapansin-pansin ang closeness niya sa mga ito sa ibinabahaging vlogs sa kanyang YouTube channel.

Credit: Buboy Villar YouTube

Sa pinakabago niyang vlog, mapapanood ang nakaka-touch nilang moments ng panganay na anak na si Vlanz bago ito magpunta sa Amerika upang asikasuhin ang “dual citizenship” nito.

 

Bago ang nakatakdang araw sa paglipad ni Vlanz patungong Amerika, talagang walang pinalagpas na pagkakataon ang kanyang Daddy Buboy na makasama siya.

Credit: Buboy Villar YouTube

Todo ang pagbabantay ng aktor sa anak habang naglalaro ito sa labas ng kanilang bahay kung saan ay nagkaroon sila ng usapan na punong-puno ng kulitan. Kahit na’y pinipilit ni Buboy na maging masaya habang pinagmamasdan ang anak sa ginagawa, hindi niya napigilan ang sarili na maging emosyonal na hindi niya ipinahalata kay Vlanz.

Credit: Buboy Villar YouTube

“Ayaw kong mapakita na parang naiiyak ako sa anak ko. Ang hirap kasi na parang bilang isang tatay na malayo sa bata,” sabi ni Buboy.

Credit: Buboy Villar YouTube

Dagdag pa ng aktor, “So ayun, mas matagal. Hindi ko alam kung kailan ulit siya babalik o kailan siya uuwi galing Amerika papunta dito kasi kailangan ayusin iyong citizenship niya ‘dun para maging dual din siya.”

Credit: Buboy Villar YouTube

“Mixed emotions” ang nararamdaman ni Buboy sa nakatakdang pag-alis ni Vlanz dahil alam naman niya na para ito sa future ng anak pero hindi pa rin niya naiwasang makaramdam ng lungkot lalo na’t medyo matagal-tagal silang mawawalay sa isa’t-isa.

Credit: Buboy Villar YouTube

Nang dumating na ang nakatakdang araw sa pag-alis ni Vlanz, labis ang pagpipigil ng emosyon ni Buboy nang nagpaalam at pinanood ito nang pumasok sa airport pero hindi na niya napigilan ang mga luha nang nakapasok sa van.

“Papa will miss you anak. Always remember to pray. Mahal na mahal ka ni Papa,” mensahe ni Buboy para sa anak.

Credit: Buboy Villar YouTube

Kahit na’y malayo ngayon mula sa isa’t-isa, pinatunayan naman ni Buboy na hindi masusukat ng kahit anong distansya ang pagmamahal niya bilang isang ama sa anak.

Ysha Red

error: Content is protected !!