Bulilit no more! Dating batang aktres na si Jana Agoncillo, isa nang ganap na dalaga!

Sino nga ba ang makakalimot sa cutie chikiting na si Jana Agoncillo na madalas na nilalarawan ng karamihan bilang isang “ball of sunshine” dahil maliban sa pagiging adorable at magaan niyang personality ay hindi rin siya kailanman nabigo sa pagpapamalas sa kanyang angking talento sa pag-arte. Sa remarkable niyang career, hinding-hindi talaga siya basta-bastang maibabaon sa limot dahil tila’y nakaukit na sa ating memorya ang pangalan ng nag-iisang “Ningning” sa Pinoy showbiz!
Credit: @janapatching Instagram
Sa unang pagsabak ni Jana Agoncillo sa pag-aartista, kaagad na talaga niyang nabihag ang atensyon ng mga manonood. Sa napakamurang edad, labis talaga siyang umangat sa kasikatan pero gayunpaman, nananatili namang numero uno para kay Jana ang kanyang pag-aaral kaya kinailangan niyang lisanin ang showbiz upang mas maapag-focus sa kanyag buhay bilang isang estudyante.
Kung labis nating minahal si Jana sa unang pagpasok niya sa showbiz bilang isang batang aktres ay paniguradong mas mamahalin pa natin siya ngayong nagdadalaga na siya dahil sa kanyang major na glow up, mas nakakabighani pa ang kanyang kagandahan!
Matagal-tagal na simula nang nilisan ni Jana ang showbiz pero gayunpaman, tila’y nananatili ang impluwensyang meron siya para sa karamihan dahil sa simple niyang pagbibigay ng update sa Instagram ay kaliwa’t kanan talaga ang pagkalat ng kanyang mga larawan sa social media na kasalukuyan ngayong pinagkakaguluhan at kinagigiliwan ng fans.
Credit: @janapatching Instagram
“Ohhhhh dalaga na si jana 😮”
“ang ganda ganda mo😍😍”
“So pretty naman ni Jana❤❤❤”
“Ganda naman ni jana dalaga na ang bilis talaga ng panahon”
Credit: @janapatching Instagram
Sa kanyang pisikal na transformation, hindi naiwasan ng iilan na mapansin ang malaking pagkakahawig ni Jana sa beauty queen na si Celesti Cortesi at aktres na si Beauty Gonzales.
“celesti cortesi na beauty gonzales 😍”
“You look like mini-Celesti Cortesi”
“U look like beauty gonzales”
Credit: @janapatching Instagram
“Dalaga na! hawig po ni ms.beauty gonzales❤ ang ganda mo tlaga ever since pinapanuod kita mga palabas mo sa channel 2😍”
Sa matagal-tagal na pagkawala ni Jana sa showbiz ay uhaw na uhaw talaga ang kanyang fans sa bawat update ng dating batang aktres kaya sa simpleng pagbabahagi niya ng kanyang latest na photos sa social media, sobra talaga nila itong na-appreciate.
Dahil sa magkakasunod na pagbabahagi ni Jana Agoncillo ng mga larawan sa Instagram, hindi talaga mapigilan ng kanyang fans na umasang muling magbibigay ng updates ang dalaga para man lang kahit papaano ay maibsan ang kanilang pangungulila sa pansamantalang paglisan niya sa showbiz.