Bunsong anak at mini me version ni Karla Estrada na si Carmella, dalaga na!

May mga pagkakataon talaga na nababagalan tayo sa oras. Minsan naman ay napapansin natin ang mabilis na paglipas ng panahon. Kadalasan ay sabay pa nga natin itong nararanasan katulad na lamang sa pagsubaybay natin sa celebrities lalo na kapag bata pa lamang sila ay nakatutok na talaga tayo.
Credit: @lella_ford Instagram
Sa maraming taon na pamamayagpag ni Karla Estrada sa industriya ng showbiz, hindi lamang fans niya ang kanyang naimpluwensyahan dahil napakalaki rin ng impact ng pagiging isang sikat na artista niya sa kanyang mga anak. Katulad niya, nakabuo rin ng successful na career ang kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla. Hindi man sumabak sa pag-aartista si Magui, marami naman ang nakakakilala nito. Maliban sa kanila, unti-unti na rin na na-eexpose ngayon sa publiko ang bunsong anak ni Karla na si Carmella o kung tawagin nila sa palayaw nitong Lella.
Hindi pa man pinasok ang mundo ng showbiz, maituturing pa rin na isang celebrity si Carmella dahil sa kasikatan ng kanyang Momshie Karla at ng kapatid niyang si Daniel. Noon pa man, madalas na talagang nagbabahagi ng updates at mga larawan si Karla sa social media sa tuwing magkakasama sila ng kanyang mga anak pero nito lamang nakaraang taon nang mas nakilala ng publiko si Carmella nang sumali siya sa Star Magic All Star Games kung saan ay pinabilib niya ang lahat sa kanyang skills sa volleyball. Pati ang kanyang Kuya DJ na todo cheer sa laro ng bunsong kapatid ay humanga pa nga at ipinagmalaki na nasa dugo na umano nila ang pagiging sporty.
Credit: @lella_ford Instagram
“I think it’s in the blood. Parang athletic talaga ‘yung mga lahi namin,” sabi ni DJ.
Sa pagtuklas natin sa athletic na side ni Carmella, mas na-expose pa ang iba niyang qualities at characteristics. Sa celebration ng kanyang ika-17 na kaarawan nito lamang February 8 kung saan ay nagkaroon lamang sila ng simpleng celebration sa kanilang bahay sa Quezon City, napansin ng netizens ang magandang transformation ni Carmella dahil dalagang-dalaga na umano ito ngayon!
Credit: @lella_ford Instagram
Sa mga larawang ibinahagi ng kanyang Momshie Karla sa Instagram, makikitang sobrang elegante niya tingnan sa suot na long at fit na dress. Marami rin ang nakapagsabi na mini-me version umano siya ni Karla dahil sa matinding pagkakahawig nilang dalawa. Sobrang lakas naman ng genes!
Sa kaarawan ni Carmella, pinaulanan naman siya ng pagbati mula sa iilang sikat na celebrities sa Pinoy showbiz katulad na lamang nina Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, Marj Barretto, Vina Morales, Melai Cantiveros, Min Bernardo, Jackie Forster at marami pang iba.
Parang kahapon lamang nang unang ipinakilala ni Karla Estrada ang kanyang mga chikiting pero sa mabilis na paglipas ng panahon, isa ng dalagita na may nakakabighaning beauty ang kanyang bunsong anak na si Carmella!