Bunsong anak ni Melai Cantiveros na si Stela, kayang-kaya na palang mag-travel at sumakay ng eroplano mag-isa sa edad na 5!

Hindi tayo awtomatikong nagiging independent dahil kinakailangan ito ng matinding preparedness at nangangailangan ng tremendous na effort sa pagiging responsible kaya hindi talaga ito madali pero tila’y maaga naman itong inuumpisahan ng bunsong anak ni Melai Cantiveros na si Stela dahil sa edad na 5, unti-unti na niyang pinapatunayang kaya niyang alagaan ang sarili.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Hindi lamang natatapos kay Melai Cantiveros at Jason Francisco ang spotlight nila sa showbiz dahil sa murang mga edad, dahan-dahan na rin na inaangkin ng kanilang mga chikiting na sina Mela at Stela ang lugar nila sa industriya ng entertainment dahil maliban sa kanilang meme-worthy na expressions at nakakatawang vlogs, hindi rin maitatanggi ang malaking potential na meron sila sa pagsunod sa yapak ng kanilang mga magulang.
Maliban sa iconic at popular na linyang “It’s so asim, it’s so sarap” pati na rin ng “Me too, Mama!” ng magkapatid na Mela at Stela, pasado rin sa vibe ng netizens ang nakakatawang expressions ng dalawa na madalas na nauuwi sa memes pero hindi lamang dito natatapos ang pagkabilib natin sa kanila dahil palagi lang naman nila tayong sinusurpresa katulad na lamang ng 5 anyos na si Stela na tinalo pa ang kanyang mommy Melai na may takot sa pagsakay ng eroplano!
Sa video na ibinahagi ng “Magandang Buhay” host na si momshie Melai sa Instagram nito lamang bago, masasaksihan ang pagiging kalmado ni Stela sa kalagitnaan ng kanilang flight. Dahil nasa business class ang mag-ina, magkalayo talaga ang kanilang seats pero taliwas sa expectation ni Melai na magiging problema ito, nagulat siya nang nasaksihan ang pagiging responsible ng anak.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Sa tuwing binibigyan ng pagkain ng stewardess, kusa lamang na kumakain si Stela at kusa rin na natutulog. Masasabi talaga na wala siyang kahit anong problema o issue sa sitwasyon kahit na’y magkalayo sila ng kanyang Mommy Melai. Dahil nito, kaagad talaga na ipinahayag ng actress-comedienne sa Instagram na sobrang proud siya sa anak dahil kahit siya ay takot pa rin talaga sa pagsakay ng eroplano.
“So proud of my Baby @stelarosalind kapag nasa plane kami kasi responsible na cya , kasi ako takot na takot ako sa plane. Cya nmn kain lang cya tapos magsleep lng cya in her own,” sulat ni Melai sa kanyang caption.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Sa maturity na pag-handle ni Stela sa sitwasyon, marami talaga ang bumilib sa kanya dahil bibihira umano para sa batang tulad niya na makaramdam ng ganitong klaseng independency. Marami pa nga ang nagsabi at nakakatiyak na kayang-kaya na pala ni Stela na mag-travel at sumakay ng eroplano mag-isa!