Candy Pangilinan, napa-sorry sa teacher ng anak matapos hingan ni Quentin ng mamahaling regalo sa kanyang birthday!

Candy Pangilinan, napa-sorry sa teacher ng anak matapos hingan ni Quentin ng mamahaling regalo sa kanyang birthday!

Wala talagang limitations ang baon na good vibes ng anak ni Candy Pangilinan na si Quentin dahil mapa-live selling man, pagsasayaw sa Tiktok, simpleng usapan nilang mag-ina o ‘di kaya’y nasa kalagitnaan ng kanyang klase ay todo lang naman niyang napapatawa ang fans dahil sa natural niyang innocence.

Credit: @candypangilinan Instagram

May mga pagkakataon talaga na nagiging malambing o nangungulit ang mga bata pero mukhang inaraw-araw na ng unico hijo ni Candy Pangilinan na si Quentin ang sweet at pabibo personality nito dahil muli na naman niya tayong napatawa sa latest na update ng kanyang Mommy Candy kung saan ay ibinida ng aktres ang pangungulit ni Quentin sa kanyang teacher.

Pagkukuwento ni Candy, humingi umano ng regalo si Quentin sa kanyang teacher at nang nilinaw kung anong klaseng t-shirt ang ipinapabili niya, ipinakita ni Quentin ang isa sa kanyang fave na t-shirt pero sa hindi pag-aakala, isa pala itong Lacoste brand kaya kitang-kita talaga sa reaksyon ng kanyang teacher na sobra siyang na-shookt dahil super mahal lang naman ng regalong hinihingi ni Quentin sa kanyang birthday!

Credit: @candypangilinan Instagram

“Nahihiya ako na natawa kay Quentin. Nagpapabili ng tshirt at socks sa birthday niya sa teacher niya. Nagtanong teacher what shirt. Kinuha yung shirt na comfortable siya. Di yata niya alam medyo mahal yun,” kuwento ng aktres.

Dahil sa innocence ng anak, hindi umano malaman ni Candy kung ano ang mararamdaman dahil natatawa at nahihiya umano siya sa ginawa ng anak kaya kaagad siyang humingi ng sorry sa teacher ni Quentin.

“sorry teacher @tapatiitapat Kakahiya,” paumanhin ni Momshie Candy.

Credit: @candypangilinan Instagram

Dahil sa wholesome at nakakatawang moment na ito ni Quentin, hindi lamang si Candy ang natawa dahil labis din na naaliw ang netizens na nagpahayag ng kanilang sari-saring reaksyon at mga komento.

“Kyuuut HAHAHAA”

“Halata nga po na nagulat si teacher. Happy birthday Q!”

“ang cute matalinong bata at malambing🥰🥰🥰”

Credit: @candypangilinan Instagram

“Gulat c teacher, so cute and innocent quintin😘😘😘”

“Ang cute ni Quentin😅 Don’t worry Mommy Candy nashook lang si teacher haha I’m sure the teacher found that adorable 🙂 God Bless yah both!”

Bilang isang ina, natural lamang na makaramdam ng hiya kapag humihingi ng mamahaling regalo ang anak sa iba pero wala namang kaalam-alam si Quentin kung gaano kamahal ang ipinapabili niyang t-shirt kaya for sure, good vibes lamang ang lahat.

Ysha Red

error: Content is protected !!