Candy Pangilinan, pinaalis ng anak habang sinasabayan niya ito sa pagsayaw

Candy Pangilinan, pinaalis ng anak habang sinasabayan niya ito sa pagsayaw

May mga bagay talaga na kahit sobrang nating gusto ay hindi natin mapipilit na mangyari. Kahit ilang ulit man nating subukan, wala pa rin itong patutunguhan kung matindi talaga ang paninindigan ng isa na ayaw ka niyang isali sa kanyang hobby katulad na lamang ng mag-inang si Candy Pangilinan at Quentin pagdating sa sayawan.

Credit: @candypangilinan Instagram

Natural lamang para sa mga magulang na gustuhing mas maging involved pa sa buhay ng kanilang mga anak pero may mga pagkakataon talaga na nananatiling makapal ang boundary sa kanilang pagitan kaya either subukan o sukuan na lamang ito ay depende lamang sa isang magulang.

Tunay nga na hindi biro ang mabigat na responsibilidad na kaakibat sa pagiging isang magulang at mas lalong challenging ito kapag nangangailangan ng labis na atensyon ang isang anak pero buong lakas naman itong hinarap ng celebrity Momshie na si Candy dahil kahit na’y may autism at ADHD ang anak niyang si Quentin, hindi naman ito naging hadlang para sa kanila na magkaroon ng maganda at healthy na mother-son relationship.

Credit: @candypangilinan Instagram

Maliban sa wholesome at inspiring na mga pangyayari sa pagitan ni Candy at ni Quentin na ibinabahagi at ikinukuwento ng aktres sa social media, madalas din na ipinapasilip ng celebrity Momshie ang kulitan at bardagulan moments nila ng anak na palaging umaani ng sari-saring reaksyon sa netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Candy Pangilinan (@candypangilinan)

Sa tuwing nagbabahagi si Candy ng Tiktok videos o dance sesh ni Quentin sa social media, masasaksihan ang maya’t mayang pagsulpot at pagsali ng aktres pero kaagad naman siyang itinutulak palayo o ‘di kaya’y pinapalayas ng anak at muli natin itong matutunghayan sa video na ibinahagi ng aktres kumakailan lamang kung saan ay mapapanood na sumasayaw si Quentin sa kantang “Dahil Sa’yo”.

Credit: @candypangilinan Instagram

Habang sobrang immersed sa pagsasayaw, bigla na lamang na sumali ang kanyang Mommy Candy kaya agad-agad niya itong pinalayas bago bumalik sa pagsayaw pero tila’y hindi lamang dito natatapos ang pagbabasakali ng aktres dahil muli lang naman siyang sumulpot pero tulad ‘nung una ay na-kick out siya ulit ni Quentin.

Credit: @candypangilinan Instagram

Kahit na’y ilang ulit nang sinubukang sabayan sa pagsayaw ang anak, tila’y hindi pa rin talaga ready si Quentin na magkaroon ng ka-duo pero gayunpaman, hindi naman nawawalan ng pag-asa ang kanyang Mommy Candy na balang-araw, magagawa na niyang masabayan sa pagsayaw ang anak.

Ysha Red

error: Content is protected !!