Carla Abellana, nagbahagi ng makabuluhang mensahe para sa lahat ng taong nasa “low point” ng kanilang buhay

Carla Abellana, nagbahagi ng makabuluhang mensahe para sa lahat ng taong nasa “low point” ng kanilang buhay

Sobrang lalim man ng “emotional dam@ge” na pinagdaanan ni Carla Abellana nitong nakaraang taon, ibinahagi naman niyang wala siyang pinagsisisihan dahil kung hindi umano dahil sa kanyang experiences ay hindi umano niya mabubuo kung sino siya ngayon.

Credit: Luis Manzano YouTube

Sa tuwing may pinagdadaanan tayo, kaagad talaga nating binabalikan ang nakaraan at nagsisisi sa ating mga desisyon sa buhay pero ayon nga sa karamihan, ang pinakadabest na lesson na matututunan natin ay mula sa sarili nating experiences dahil tumutulong lang naman ito sa pagbuo ng ating character.

Sa latest na episode ng segment sa Youtube channel ng aktor-komedyante na si Luis Manzano na “Luis Listens,” nakakuwentuhan niya si Carla Abellana kung saan ay isa sa kanilang napag-usapan ay tungkol sa abilidad na makabalik sa past at pagkakaroon ng chance na baguhin ang isang bagay.

Credit: Luis Manzano YouTube

“Pero siguro… parang hindi eh because in a way, ‘pag sinabi mong gusto mong bumalik ‘dun and baguhin, parang hindi ka pa nakakabitaw from your past or whatever that moment is so wala naman kumbaga ganun. Wala naman akong babalikan para palitan or ibahin,” sagot ni Carla.

Napag-usapan din ni Carla at Luis ang tungkol sa lahat ng pinagdaanan ng aktres nitong nakaraang taon na tinukoy niyang “low point” ng kanyang buhay pero sa kabila ng sakit na pinagdaanan niya ay hindi naman siya makikitaan ng regret o animosity. Imbes ay kapapansin pa nga ang pagiging open niya sa topic na talaga namang pinuri ng netizens. Sa panghihikayat ni Luis, nagbigay ng makabuluhang mensahe at advice si Carla para sa lahat ng mga taong kasalukuyang nasa challenging na point ng kanilang buhay bilang isang tao na minsan nang nakaranas sa parehong sitwasyon.

Credit: Luis Manzano YouTube

“Hindi laging masaya. Hindi laging tumatawa or nakangiti na whether you are alone in life or with somebody, a complete family, may times na ganun talaga… things happen and wala tayong magagawa kundi tanggapin ‘yun and there are certain things or people that we can’t change but siguro, how we react to it na lang,” ayon kay Carla.

Dagdag pa niya, “Sa buhay ng mga tao, may mga nangyayari talagang hindi naman nila gusto or hindi nila in-expect pero ganun lang ‘yun as long as you don’t give up on yourself.”

Credit: Luis Manzano YouTube

Magkakaiba man ang ating sitwasyon, may mga pagkakataon talaga na wala na sa ating kontrol ang mga nangyayari sa ating buhay at imbes na magpadala sa lahat ng problema, dapat ay araw-araw nating piliin na bumangon at ipagpatuloy ang laban ng buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!