Casa Dantes, isang combination sa kanya-kanyang hilig ng couple na si Marian Rivera at Dingdong Dantes

Casa Dantes, isang combination sa kanya-kanyang hilig ng couple na si Marian Rivera at Dingdong Dantes

Hindi lamang pagmamahal at sincerity ang bumubuhay sa isang relationship lalong-lalo na para sa mga mag-asawa dahil kinakailangan din na magkaroon ng malaking consideration at ng maraming compromises upang mas mag-work ito. Sa mahabang panahon na pagsasama ni Marian Rivera at Dingdong Dantes bilang couple, marami na talaga silang pinagdaanang challenges at nalagpasang mga problema. Maliban sa existence ng kanilang mga chikiting na sina Zia at Sixto, tila’y mas natutunan pa nilang mapatatag ang kanilang relationship sa pagpapatayo nila sa kanilang “dream house”.

Credit: 24 Oras Weekend Facebook

Hindi lamang isang achievement ang pagpapatayo ng bahay dahil isa rin itong challenge. Of course, bibihira lamang para sa isang couple ang pagkakaroon ng ng magkakaparehong hilig sa lahat ng mga bagay kaya madalas talaga na mayroong conflict sa structure at design ng mismong bahay pero para kay Marian at Dingdong, hindi umano sila kailanman nagkaroon ng problema sa pagpapatayo ng Casa Dantes dahil natuto umano silang mag-compromise.

Credit: 24 Oras Weekend Facebook

Pagbabahagi ng aktres, sobrang hands-on umano ni Dingdong sa lahat ng mga gawain. Sa katunayan, araw-araw pa nga itong bumibisita sa site noong ipinapatayo pa lamang ang kanilang bahay.

“Totoong araw-araw nandito siya as in tapos paminsan-minsan, nando’n ako, sumasama ako pero sa bawat turnilyo, sa bawat gagamitin, siya talaga ‘yung all-out dun. Siya talaga lahat namili,” sabi ni Marian.

Of course, ibinida rin ng aktor ang misis dahil si Marian umano ang inasahan niya sa “finishing touch” ng kanilang bahay kaya umano ramdam na ramdam ng kanilang buong pamilya ang touch nito sa Casa Dantes.

Ayon sa couple, compromise umano ang naging susi sa successful nilang pagpapatayo sa kanilang “dream house” lalo na’t magkakaiba umano ang kani-kanilang hilig sa mga bagay pero sa huli, hindi naman sila nagkaroon ng malaking issue sa pagco-combine ng kanilang interests.

Credit: 24 Oras Weekend Facebook

“Testing din ‘yun eh. Mag-aaway ba kami dito, parang it’s a test of anong choice na gagamitin. Nagkasundo kami sa lahat. Walang kontrahan kumbaga,” saad ni Dingdong.

Dagdag pa ni Marian, “Give and take. Kumbaga compromise kasi iba ‘yung hilig niya sa hilig ko.”

Sa surface, ipinapatayo lamang ni Marian at Dingdong ang matagal na nilang pinapangarap na bahay para sa kanilang munting pamilya pero underneath nito ay isang makahulugang depinisyon sa healthy at matatag nilang relationship.

Ysha Red

error: Content is protected !!