Celebrity kids na sina Thylane at Dahlia, kinagiliwan sa kanilang pagbibaby talk sa isa’t isa habang naglilinis

Posible ba na mahanap natin ang ating pamilya at kaibigan sa iisang tao? Bibihira lamang sa atin ang masuwerteng nakakahanap ng fiendship sa atig pinsan katulad na lamang ng celebrity babies na sina Thylane Katana at Dahlia Amelie.
Credit: @nicobolzico Instagram
Parehong kabilang sa industriya ng showbiz, matagal nang magkakilala at magkaibigan si Solenn Heussaff at Anne Curtis. Maliban dito, naging sisters-in-law din ang dalawa kaya naman mas lumalim pa ang kanilang pagsasama at maaari na ngang pumasa bilang tunay na magkapatid. Dahil sa relasyon nilang ito, hindi na rin palaisipan na talagang magkakasundo ang kanilang mga anak na sina Thylane at Dahlia lalo na’t hindi naman nagkakalayo ang kanilang edad.
Simula nang personal na nagkita at nagkakilala si baby Thylane at Dahlia, hindi na kaagad sila mapaghiwalay sa isa’t-isa. Sa tuwing nagkakaroon ng bonding ang kanilang pamilya, expected na talaga sa dalawa ang pagkakaroon ng sarili nilang mundo na palagi namang kinagigiliwan ng kanilang mga magulang.
Kumakailan lamang nang nagbahagi si Nico Bolzico ng video sa Instagram kung saan ay mapapanood na naglilinis si baby Thylane habang nakikipag-chika sa kanyang pinsan na si Dahlia.
Credit: @nicobolzico Instagram
“Chika chika while cleaning,” ayon kay Nico.
Nito lamang din nang nag-viral ang video ng magpinsan kung saan ay makikitang napaka-sweet nilang tingnan habang kinakarga sila ng kanilang Lolo Louis Paul, ang Daddy ni Solenn at Erwan Heusaff. Ang kinakiligan pa ng netizens ay ang paghalik ni baby Dahlia at Thylane sa kanilang Lolo.
Hindi naman nagtagal matapos itong napanood ng kanilang fans, kaagad na nag-viral ang nasabing video at umani ng napakaraming papuri ang magpinsan.
Credit: @nicobolzico Instagram
Bilang mas nakakatanda kay Dahlia, talagang handa si baby Thylane o kung tawagin ng kanyang mga magulang sa palayaw nitong “Tili” na maging mabuting example sa nakababatang pinsan.
Sa isa pang maikling video na ibinahagi ni Nico sa kanyang Instagram story, mapapanood na abala si Erwan sa pagkuha ng mga larawan sa magpinsan pero ang umagaw sa atensyon ng netizens ay ang paggaya ni baby Dahlia sa mga pose ni Thylane.
View this post on Instagram
“Bts from #DadsGoneWild,” sulat ni Nico sa mismong video.
Muli namang ibinahagi ng kanilang fans sa Instagram ang video ni Nico kung saan hindi napigilan ng kanilang fans na magpahayag ng kanilang gigil at kilig para sa adorable na magpinsan. Iilan lamang ito sa kanilang mga komento:
“Super cute ng magbestie and cousins for life❤️❤️❤️❤️❤️❤️”
“Pretty besties cousins❤️❤️❤️❤️❤️”
Credit: @nicobolzico Instagram
“ang cute nila hayss kulet but sweet”
Chikiting pa lamang, marami ng nagawa na magpinsan goals si baby Tylane at Dahlia kaya hindi na talaga kataka-taka kung bakit matagumpay nilang nabihag ang puso ng karamihan.