Cesar Montano at Diego Loyzaga, nagkaroon ng quality time sa kanilang kauna-unahang trip!

Cesar Montano at Diego Loyzaga, nagkaroon ng quality time sa kanilang kauna-unahang trip!

Tila’y mas makabuluhan ngayon ang diwa ng pasko para sa mag-amang si Cesar Montano at Diego Loyzaga dahil sa wakas, naisantabi na nila ang lahat ng kanilang hindi pagkakaintindihan at muli nang nagkaayos matapos ang mahabang panahon na pagkakawalay.

Credit: @diegoloyzaga Instagram

Bagama’t pareho man na nasa mundo ng showbiz ang mag-ama, inabot pa rin ng pitong taon bago muling nagkaayos at nagkamabutihan ang beteranong aktor at ang kanyang anak na si Diego sa dating partner na si Teresa Loyzaga kaya sa maraming taon na kanilang nasayang, nais nilang mas mapalapit pa sa isa’t-isa.

Matatandaang Marso ngayong taon nang ibinalita ng 27 taong gulang na aktor na nag-reconcile na sila ng kanyang ama na si Cesar matapos ang pitong taon.

“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again,” saad ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)

Ipinahayag din ni Diego na labis niyang pinagsisisihan ang estrangement nila ng kanyang ama na humantong ng pitong taon pero dahil hindi na maibabalik ang nasayang nilang panahon, ibubuhos na lamang umano nila ang lahat sa pagkakaroon ng magandang father-son na relationship.

“I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, i would. One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today,” aniya.

Credit: @cesarbuboymontano Instagram

Makalipas ang siyam na buwan matapos ng kanilang reconciliation, muling nagkaroon ng quality na time ang dalawa dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagsama sila sa kanilang trip sa Hawaii at mas napalapit pa sa isa’t-isa. Sa katunayan, kapansin-pansin pa nga ang kanilang closeness dahil sa candid na shots ni Ruffa Gutierrez na kasama nila sa nasabing trip ay makikitang magkaakbay sila habang naglalakad.

“First time, to work and to travel with my son @diegoloyzaga. Had a great time in Hawaii.🌺🌸 Looking for more,” sulat ni Cesar sa kanyang caption kalakip ng stolen na mga larawan nila ng anak na kuha sa isa sa kanilang wholesome na bonding moments sa Hawaii.

Hindi rin naman nagpahuli si Diego dahil ibinahagi rin niya sa kanyang IG account ang nasabing shots ni Ruffa kung saan ay nagpahayag ng magagandang comments ang kanyang Mommy Teresa at ang dating asawa ni Cesar na si Sunshine Cruz.

Credit: @cesarbuboymontano Instagram

“So heart warming❤️,” sabi ni Teresa Loyzaga habang isa namang series na heart emojis ang comment ni Sunshine Cruz.

Ngayong magkaayos na ang mag-ama ay tiyak na sobrang nag-eenjoy ngayon si Cesar at Diego sa kanilang Hawaii trip!”

Ysha Red

error: Content is protected !!