Che Ramos, hinangaan sa magaling na portrayal bilang si Dra. Enriquez sa “Abot-Kamay na Pangarap”

Sa napakalawak na mundo ng showbiz ay imposible talaga para sa atin na makilala ang bawat artista na napapanood natin sa telebisyon maliban na lamang kung nag-iwan sila ng napakalaking impact at strong na impression sa pamamagitan ng kanilang mahusay na pagpapamalas ng kanilang talento sa pag-arte.
Credit:Β GMA Drama Facebook
Hindi na naman bago pa para sa ating kaalaman na napaka-intense talaga ng competition sa industriya ng showbiz pero kahit na’y sobrang dami ngayon ng baguhang artista na patuloy na umaangat sa kasikatan, tila’y wala namang makakaagaw sa spotlight ng beteranang aktres na si Che Ramos dahil mula pa man noon hanggang ngayon, hindi talaga niya kailanman binigo ang lahat pagdating sa kanyang abilidad sa pag-arte na muli lang naman niyang pinatunayan sa kanyang portrayal sa karakter ni Dra. Katie Enriquez sa teleseryeng “Abot-Kamay na Pangarap”.
Sa perfect na casting ng primetime serye na “Abot-Kamay na Pangarap” na pinagbibidahan lang naman nina Carmina Villaroel, Richard Yap, Dominic Ochoa, Jillian, Ward, Che Ramos at marami pang iba ay inaabangan talaga ng karamihan ang bawat episode nito lalong-lalo na dahil sa sobrang satisfying ng iilang intense na scene katulad na lamang ng harapan ni Dra. Katie Enriquez na ginampanan ni Che at Zoey Tanyag o si Kazel Kinouchi sa totoong buhay.
Dahil sa palaban at fierce na appoach ni Dra. Enriquez kay Zoey sa episode 60 ng teleserye, mas lalo talagang napamahal ang mga manonood kay Che dahil sa mahusay niyang pagganap sa kanyang karakter pati na rin ng perpekto niyang delivery sa kanyang iconic na linyang “I am the chief resident here. Marami nang bumato sa akin and yet I’m still standing. If I hear you disrespecting me and smearing my good name behind my back, I will eat you alive… bones and all.”
Credit:Β GMA Drama Facebook
Dahil sa perpektong pagsasabuhay ni Che sa kanyang karakter at satisfying niyang panglalampso sa kontrabidang si Zoey, kaagad talaga na nanindig ang balahibo ng mga manonood at kasalukuyan ngayong inulan ng papuri ang 41 taong gulang na aktres.
“I love it..super duper galing n doctora enrique’s.πβ₯οΈππ”
“Ang galing talaga ni dra.eniquez..ang taray with a good heartπ β€β€β€ nakakatakot syang kalabanin hahahaah ingat zoey at moiraπ π π π€£π€£ mali kau ng kinakalaban…”
Credit:Β GMA Drama Facebook
“Kinilabotan ako sa mga punchlines ni Dra. Enriques. Graabeee. And Galing. π love it”
“Excellent Performance Dra. Enriquez!πππ You are one of a kind!πππ Salute you Maβam!πππ₯°”
Simula pa man noong ipinalabas ang “Abot-Kamay na Pangarap” ay talagang pinakainaabangan na ng halos lahat ng mga manonood ang “slay moments” ni Dra. Enriquez lalo na’t sa bawat episode ay nabibigyan talaga ni Che Ramos ng hustisya ang kanyang karakter.