Cherie Gil, inaming may parte pa rin sa kanya na natatakot sa desisyon niyang pagsisimulang muli

Sino ba sa atin ang hindi nagulat sa bagong look ni Cherie Gil? Maliban sa pagiging kakaiba nito kumpara sa dati niyang style, nagsisilbi rin ito bilang isang pisikal na simbolo sa ‘rebirth’ ng aktres.
Credit: @macherieamour Instagram
Bawat isa sa atin ay may sariling kuwento sa buhay. Maaaring may iilan na may baong magandang storya o hindi kaya’y kuwentong punong-puno ng paghihirap. Mayroon din namang kuwento sa buhay na inaakala ng karamihan na masaya pero sa katunayan, hindi pala.
Hindi na naman sikreto pa ang pagiging magulo ng showbiz at may iilang artista na kahit anong kalungkutan man ang nararamdaman sa likod ng kamera ay buong-puso itong itinatago sa kanilang ngiti at tawa upang mapasaya lamang ang kanilang fans. Ngunit hanggang kailan nga ba sila magiging okay?
Sa mahigit limang dekada na karera ni Cherie Gil bilang isang aktres, sino nga ba ang mag-aakala na minsan na rin niyang hindi nakilala ang sarili?
Credit: @macherieamour Instagram
Sa pagdiriwang ng Mega Magazine sa kanilang ika-30 na anniversary, isa si Cherie sa ‘cover girl’ sa latest na issue kung saan ay ibinahagi niya ang kuwento sa likod ng kanyang ibinidang ‘shaved head’.
Ayon sa 58 taong gulang na aktres, sumailalim umano siya sa therapy at counseling sa napakaraming taon.
“I won’t deny that I have gone to therapy and counseling. Years and years of doing that, I learned that it just boils down to doing the hard work on and with yourself by whatever means,” pag-amin ng aktres.
Bilang isang celebrity, layunin talaga ni Cherie na mapasaya ang kanyang fans at supporters hanggang nakalimutan niyang alagaan ang sarili. Marahil sa pagiging busy at pressure na dulot ng kanyang trabaho, talagang pinagkaitan niya ng tunay na kasiyahan ang sarili. Ngayon na nasa daan na siya sa pagkilala sa totoong ‘siya,’ priority ngayon ni Cherie ang kanyang self.
Credit: @mega_magazine Instagram
“I just had to make sure that first and foremost, my mental, emotional, spiritual states were getting the priority,” saad niya.
Kasalukuyan ngayong nasa New York at determinado sa daang tatahakin, inamin ni Cherie na may parte pa rin sa kanyang natatakot sa desisyon niyang pagsisimulang muli.
“Yes, I am human. We all get scared sometimes, if not often. But I have found my own tools to deal with them. By not focusing on the fears but instead on trust and most of all gratitude,” sabi ni Cherie.
Credit: @macherieamour Instagram
Sa paghahanap ng aktres sa kanyang tunay na sarili, marami sa kanyang fans ang halos hindi na makapaghintay na makilala ang bagong Cherie Gil!