Cherie Gil, nagpakalbo bilang simbolo ng kanyang ‘rebirth’

Cherie Gil, nagpakalbo bilang simbolo ng kanyang ‘rebirth’

Kailan ba tayo binigo ng nag-iisang Cherie Gil? Sa kanyang kagandahan na walang kakupas-kupas o hindi kaya’y sa kanyang ipinapamalas na husay at galing sa pag-arte, talagang patuloy na binubuhay ng beteranang aktres ang expectations ng karamihan ngunit sa napakahabang panahon ng kanyang matagumpay na career sa showbiz, minsan na rin siyang dumaan sa pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.

Credit: @mega_magazine Instagram

Hindi naman sikreto ang napakagulong buhay ng iilang artista sa showbiz. Dahil sa pressure o hindi kaya’y bashers na palaging nakaabang sa bawat pagkakamali na maaaring ikatapos ng career, maraming celebrities ang nahihirapan.

Ngunit dahil sa determinasyon na ipakilala at patunayan ang tunay nilang pagkatao, marami naman ang nakakabangon at isa na nga sa mga ito ay si Cherie Gil.

Simula nang pinasok ang mundo ng showbiz, todo ang effort na ibinibigay ni Cherie sa larangan ng pag-arte. Dahil dito, nagawa niyang mabuo ang matagumpay niyang career at ngayon ay tinitingila ng karamihan pati na ng kanyang kapwa celebrities at fans ngunit sa kabila ng kanyang tinatamasang kasikatan, hindi pa rin siya nakaligtas sa madilim na bahagi ng kanyang buhay kung saan ay minsan na rin siyang naging stranger sa sariling pagkatao.

Sa loob ng ilang taong pagsailalim niya sa mga therapy at counseling, sa wakas ay proud na ibinahagi ni Cherie na nasa proseso na siya ngayon sa bagong pagsisimula at walang pagdadalawang-isip na iniwan ang dating sarili na punong-puno ng negativities.

Credit: @mega_magazine Instagram

Sa isang ekslusibong interview ng Mega Magazine kung saan ay isa ang aktres sa ‘cover girls’ sa panibagong issue, ikinuwento ni Cherie ang kanyang ‘rebirth’ kalakip ng pagbida niya sa kanyang bagong look.

“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life… I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts,” kuwento ni Cherie.

Credit: @mega_magazine Instagram

Maliban sa kanyang firm na decision na hanapin ang tunay na sarili, napagdesisyunan din ng aktes na magkaroon ng pisikal na simbolo ng kanyang ‘rebirth’ at ito ay ang pagshe-shave niya sa kanyang buhok.

“What’s hair ‘di ba? It grows back. It’s symbolic to my personal growth,” ayon sa aktres.

Credit: @mega_magazine Instagram

Minsan nang nawala ang sarili dahil sa pagiging abala niya sa pagbuo ng successful na career, buong-buo na ngayon ang desisyon ni Cherie Gil na tahakin ang daan patungo sa tunay na kasiyahan na ilang taon din niyang ipinagkait sa sarili.

Talagang wala ng iba pang magmamahal ng lubos sa ating sarili kung hindi tayo rin lamang at ito ang naging susi ni Cherie upang mahanap ang sarili at ngayon ay nasa proseso na ng ‘rebirth.’

Ysha Red

error: Content is protected !!