Chito Miranda, nakatanggap ng isang bagong yate mula kay sa kanyang asawang si Neri Naig

Chito Miranda, nakatanggap ng isang bagong yate mula kay sa kanyang asawang si Neri Naig

Maraming netizens ang namangha dahil sa regalo ni Neri Naig sa kanyang asawa na si Chito Miranda. Nagdiwang nitong Lunes, February 7 ng kanyang kaarawan ang bokalista ng Parokya Ni Edgar at bilang regalo ay sinorpresa siya ni Neri ng isang bagung-bagong yate.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Sa isang Instagram post ay binati ni Neri si Chito. Kalakip naman ng kanyang post ay isang sweet photo nilang mag-asawa sa harap ng kanilang bagong yate.

Ayon naman kay Neri, bagaman maliit lamang ang kanilang yate, proud siya dahil may kwarto, sala, at banyo na umano ito sa loob. Swak umano para sa kanila na mahilig sa beach at mag-fishing.

“Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise! May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang , pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe! Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!” pahayag ni Neri sa caption.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Samantala, sinabi naman ni Neri na kalaunan ay plano nilang parentahan ang bago nilang yate para umano makabawi sila sa kanilang ginastos rito.

“Syempre bilang wais na misis, ipaparent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito hehe!” aniya.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Bukod dito, ikwinento rin ni Neri na plano rin niyang bumili ng jetski para sa kanilang beach condo.

Dagdag pa niya, “Follow @margaritayacht para malaman nyo soon kung kailan pwede nang i-rent. Stay kayo sa @mirandasbeachcondo tapos rent kayo sa @margaritayacht para mas masaya ang vacation nyo sa dagat. Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna…sagad na bulsa ko.”

Para naman sa mga nagtatanong, “Margarita” ang ipinangalan nina Neri at Chito sa kanilang yate. Kwento ni Neri, sa bagong yate na lang umano nila gagamitin ang ipapangalan sana nila sa kanilang pangalawang anak kung nagkataon na babae ito.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Anong name ng yate? Syempre, “Margarita”! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!” saad ni Neri.

Matatandaan na noong October 2021 ay nagsilang ng isang baby boy si Neri. Pinangalan nila ang kanilang ikalawang anak na lalaki na Manuel Alfonso a.k.a. “baby Cash.”

Ysha Red

error: Content is protected !!