Chito Miranda, pinuri ang kabutihang-loob ng kanyang kaibigan na si Angel Locsin

Chito Miranda, pinuri ang kabutihang-loob ng kanyang kaibigan na si Angel Locsin

Hindi lang hinahangaan ang aktres na si Angel Locsin sa kanyang husay sa pag-arte at taglay na kagandahan, kundi dahil na rin sa kabutihan ng kanyang kalooban.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Ilang proyekto ng pagkakawang-gawa ang pinangunahan ng aktres na talagang tumatak lalo na sa kanyang mga tagahanga.

Isa ang lead vocalist ng bandang “Parokya ni Edgar” na si Chito Miranda sa mga napabilib sa kabutihang taglay ni Angel at ito ay kanyang ibinahagi sa Instagram.

Credit: @therealangellocsin Instagram

“Napakabait lang talaga nitong tao na ‘to. Mula dati, hanggang ngayon…sobra talaga,” caption ni Chito sa kanyang IG post kasama ang screenshot ng kanilang naging usapan nang alukin ni Angel ng tulong ang pamilya ni Chito.

Sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal, agad inalala ni Angel ang kaligtasan nina Chito at ng pamilya nito.

“Chito! May kwarto kayo dito nila neri at miggy at kung sino pa kasama nyo sa house ha? Anytime pwede kayo dito,” ani Angel sa kanyang mensahe para kay Chito sa nasabing screenshot.

Credit: @chitomirandajr Instagram

“Mabuti ng iwas muna kayo at unpredictable pa yung taal. Plus yung smog,” dagdag pa nito.

Sinagot naman ito ni Chito ng, “Oks kami dito. May sh0ot kami dito resthouse. Pero salamat sa pag-aalala.”

Hindi man napaunlakan ni Chito ang pagmamagandang-loob ng aktres ay hindi naman nito maiwasang ibahagi sa Instagram ang pasasalamat dito.

Credit: @chitomirandajr Instagram

Si Angel naman na sadyang mapagpakumbaba at hindi inaasahan ang appreciation post ni Chito ay pabirong nagkomento dito.

“Bored ka tsong??? Lol nakatutok na mga camera tapos diretso kanta ka na sa kumu lol,” ani Angel.

“Tumatanggap din ako ng Gcash at Lyka,” sagot ni Chito sa komento ng aktres.

Credit: @chitomirandajr Instagram

Ang fiance ni Angel na si Neil Arce ay nagkomento din sa nasabing IG post.

“Hindi libre yan kelangan daw kanta ka gabi gabi, “ pabirong komento ni Neil.

“Tapos hindi pwede videoke… kelangan live band,” sakay naman ni Chito sa komento ni Neil.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Marami ang natouch at ang iba naman ay nagulat nang malamang magkaibigan ang dalawa. Subalit mas marami ang natuwa at lalong humanga sa aktres sa pagiging mabuting kaibigan na nakaagapay sa panahon ng sakuna.

Ysha Red

error: Content is protected !!