Chito Miranda, proud na ibinahagi na naisauli ang nawala niyang wallet

Bagama’t sobrang dami naman ng nagbago ngayon, nananatili pa rin na marami ang tapat at mabubuting tao sa mundo. Muli itong napatunayan ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda nang akala niya’y hindi na maisasauli ang kanyang wallet.
Credit: @chitomirandajr Instagram
Talamak naman ngayon ang kaso ng pagnanakaw, lamang na lamang pa rin talaga ang mga taong tapat. Bibihira lamang ang mga taong nagsasauli ng nawawalang wallet o kahit anong possession sa may-ari pero may iilan pa rin na kahit anong hirap ng kanilang sariling sitwasyon o may problema mang pinansyal ay hindi pa rin nagpapadala sa tukso katulad na lamang ng isang ‘good samaritan’ na nagsauli sa nawawalang wallet ni Chito Miranda noong nagpunta siya sa Pico de Loro, Batangas.
Kumakailan lamang nang ibinahagi ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito ang kuwento tungkol sa isang tao na nagsauli ng kanyang pitaka at kung gaano siya kasaya sa katotohanang mas marami pa rin talaga ang mga mabubuting tao sa mundo.
Credit: @chitomirandajr Instagram
Ayon kay Chito, nagtungo siya sa Batangas upang may asikasuhin, pagche-check sa renovations ng unit ng kanyang asawa na si Neri Naig-Miranda, at para na rin tumambay sa beach.
“Last Monday, nagpunta ako sa Pico de Loro to do some errands (para magbayad ng home owner association dues, para i-check yung renovations sa isang unit ni Neri, and yes, para tumambay na rin sa beach sandali since nandun na rin ako✌🏼😅),” aniya sa kanyang caption kalakip ng larawang kuha niya sa kanyang pitaka na kulay itim.
Bagama’t sobrang nag-enjoy man sa kanyang panandaliang trip, napansin umano ni Chito na nawawala ang kanyang wallet nang siya’y nakauwi na pero pag-amin niya, hindi umano siya nakaramdam ng kaba o stress dahil may feeling umano siya na maibabalik rin ang kanyang wallet.
Credit: @chitomirandajr Instagram
Sabi pa ni Chito, “After checking with our caretakers sa condo, the bldg admins, pati yung mga head ng beach club, they sadly informed me na wala daw silang nahanap na wallet.”
Dahil ‘dun, walang naging choice si Chito na pansamantalang i-block ang kanyang cards para na rin safe kung baka sakaling may mag-access pero sa hindi niya malamang dahilan, talagang naniniwala siyang mababalik ang kanyang wallet at naaayon nga sa kanyang pakiramdam, may mabuting tao na nag-message sa kanila ng asawa at isinauli ang pitakang nawawala. Labis pa ang kanyang pasasalamat dahil kumpleto umano ang cards at walang kahit anong nabawasan sa cash.
Credit: @chitomirandajr Instagram
Ang pangyayaring ito ay isang patunay na hindi pa rin nawawala ang tapat na mga tao sa mundo.