Chiz Escudero, bagets na bagets sa photoshoot nila ng kanyang asawang si Heart Evangelista

Chiz Escudero, bagets na bagets sa photoshoot nila ng kanyang asawang si Heart Evangelista

Kilala sa mundo ng fashion ang Kapuso actress na si Heart Evangelista. Isa siya sa mga hinahangaan ng marami dahil sa kanyang magandang fashion sense. Madalas din siyang maging hot topic sa social media dahil sa kanyang mga luxury o mamahaling outfit.

Credit: @iamhearte Instagram

Maging ang mister nga ni Heart na si Sorsogon Governor Chiz Escudero ay tila hindi nakaligtas sa kanyang pagkahumaling sa fashion.

Kamakailan lamang ay nag-trending sa social media ang kanilang ginawang fashion photoshoot kung saan ay sweet at kwela silang nag-pose na mag-asawa suot ang kanilang stylish outfits.

Credit: @iamhearte Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram account, makikita si Chiz na nakasuot ng isang plaid pants na pinaresan ng isang casual na puting t-shirt. Simple ngunit napaka-fashionable rin ni Heart sa kanyang suot na isang blazer at pants. Talagang batang-bata at halatang masaya sina Heart at Chiz sa kanilang mga litrato.

Sinabi naman ni Heart na siya ang nag-style kay Chiz para sa kanilang photoshoot. At ayon pa sa kanya, matagal bago niya ito napilit na gawin ang kanilang photoshoot.

Credit: @heart021485 Twitter

“If you only knew how long it took to have him agree to let me shoot and style him. Surprisingly, he was super game! Thank you, babe. Here’s to us. 🍸@escuderochiz” sulat ni Heart sa caption ng kanyang post.

Samantala, ini-reveal naman ni Heart ang ilang behind-the-scenes photo ng ginawa nilang photoshoot ni Chiz na naghatid ng good vibes sa maraming netizens.

Credit: @iamhearte Instagram

Sa isang Twitter post, ibinahagi ni Heart ang isang litrato kung saan makikita siyang inaayos ang pantalon ni Chiz. Caption pa ni Heart sa litrato, bilang “stylist” ay hindi niya maiwasang mapikon sa kanyang “talent” dahil ayaw umano nitong magsuot ng sapatos.

Credit: @heart021485 Twitter

Dahil nga sa mga BTS photo nila, kaya napag-alaman ng maraming netizens na naka-tsinelas lang si Chiz sa kanilang photoshoot.

Kinilig naman ang maraming netizens sa mga larawan nina Heart at Chiz. Komento pa ng ilang netizens:

“Love it! I was abot to say EXCELLENT STYLING”

“Both looking young and gorgeous”

Credit: @heart021485 Twitter

“What a perfect couple!”

“Gwapo naman ni hubby galing ng Icon ko talaga”

“Pogi ni Chiz mukang oppa”

Taong 2014 nang pinakasalan ni Heart si Chiz na mas matanda sa kanya ng 15 taong gulang.

Ysha Red

error: Content is protected !!