Chynna Ortaleza, proud na ibinida ang kanyang kili-kili na masisilaw ka sa kaputian at kinis!

Chynna Ortaleza, proud na ibinida ang kanyang kili-kili na masisilaw ka sa kaputian at kinis!

Malapit na ang summer season at panahon na naman para ibida ng mga sinusundan nating artista ang kanilang beach body suot ang kani-kanilang paboritong swimsuit.

Credit: @chynsortaleza Instagram

Nauna na nga rito ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza na nagbakasyon kamakailan sa Nasugbu, Batangas kasama ang kanyang mister na si Kean Cipriano at dalawa nilang anak na sina Stellar at Salem.

Ipinost naman ni Chynna sa kanyang Instagram account ang kanyang larawan habang nagbibilad sa beach suot ang isang one piece swimsuit.

Pero ang nakakuha ng atensyon ng netizens ay ang magandang kili-kili ni Chynna na kapansin-pansin sa kanyang pose.
Maraming netizens ang napa-wow nang makita ang kili-kili ni Chynna na walang bahid ng pangingitim at super kinis pa.
Humakot naman ng samu’t saring komento ang kili-kili reveal ni Chynna.

Credit: @chynsortaleza Instagram

Saad ng isang netizen, “Kili kili secret reveal.”

Tanong naman ng isang nanay, “How to have that kilikili back again Ms. @chynsortaleza ?? Diyos ko po. Nahirapan na talaga akong ibalik after giving birth.”

Samantala, kung ang iba ay kung anu-anong skin treatment procedure o whitening products na ang sinubukan para pumuti at kuminis lamang ang kanilang mga kili-kili, itong si Chynna ay pagkukuskos at pagdadasal lang naman ang ginawa para muling gumanda ang kanyang kili-kili pagkatapos manganak.

Credit: @chynsortaleza Instagram

“Fished out my beach keepsake from years back.. and boom it fits ghorl! Plus my kilikili is making a comeback. Natural yan. Kuskos & prayers lang,” ani Chynna.

Gayunpaman, ayon kay Chynna, inabot ng maraming buwan bago bumalik sa normal na kulay ang kanyang kili-kili pagkatapos niyang ipanganak si Salem.

“Tagal ko yang hinintay. Iba ang darkness ng baby boy e,” pag-amin ni Chynna.

Credit: @chynsortaleza Instagram

Isa ang “dark underarms” o maitim na kili-kili sa mga inirereklamo ng marami sa atin pagdating sa kanilang katawan. Bukod naman sa mga “people of color”, mas madaling magkaroon ng maitim na kili-kili o makaranas ng hyperpigmentation sa kanilang balat ang mga babaeng buntis dahil sa mga pagbabagong dala ng pregnancy sa kanilang katawan.

At bagama’t hindi pa natutukoy ang eksaktong dahilan ng Hyperpigmentation kapag isang lalaki ang ipinagbubuntis ng isang babae, sinasabi ng ilang eksperto na ito ay dahil sa hormonal imbalance na karaniwang nangyayari sa panahon ng pagbubuntis.

Ysha Red

error: Content is protected !!