Closeness ni Juliana Gomez at ng kanyang yaya, highlight sa isang vlog episode ni Richard Gomez!

Closeness ni Juliana Gomez at ng kanyang yaya, highlight sa isang vlog episode ni Richard Gomez!

Hindi lamang pala isang mahusay na aktor at mabuting politician si Richard Gomez dahil may ipinagmamalaki rin pala siyang talento sa pagluluto at paghahanda ng iba’t-ibang masasarap na mga pagkain na patuloy niyang ibinabahagi sa pamamagitan ng kanyang Youtube channel.

Credit: Richard Gomez YouTube

Simula nang bumuo ng sariling Youtube channel ang beteranong aktor, hindi lamang updates sa buhay ng kanilang pamilya ng asawang si Lucy Torres ang inaabangan ng netizens dahil pinagkakainteresan din ng karamihan ang bagong recipe at mga cooking sesh ni Richard Gomez dahil sa unang tingin pa lang ay masasabi na talagang nakakatakam ito katulad na lamang ‘nung personal siyang naghanda at nagluto ng lobster rolls para sa kanyang unica hija na si Juliana.

Bagama’t natitiyak man ng netizens na masarap ang lobster rolls ni Goma, tila’y naagaw pa rin ni Juliana ang spotlight sa naturang vlog ng kanyang ama dahil sa closeness niya sa kanyang personal yaya.

Credit: Richard Gomez YouTube

Sa una ay ang isa pa lamang nilang kasambahay ang kasama ng mag-ama sa pagkain ng lobster rolls pero nang napansin ni Juliana na nasa labas ng kusina ang kanyang nanny, kaagad niya itong nilapitan at pinilit na pumasok sa loob upang tikman ang hinandang pagkain ng kanyang ama.

“Ito talaga yaya ni Juliana,” saad ni Goma nang pumasok ang nanny ng anak.

Habang abala sa kinakain ang yaya ni Juliana, hindi naman nakaiwas sa tingin ng netizens ang treatment ng dalaga sa kanyang nanny dahil agaw-pansin lang naman ang pagiging clingy nito katulad ng pag-akbay at pagyakap.

Dahil sa closeness at sweet na relationship ni Juliana at ng kanyang yaya, kaagad talaga na inulan ng netizens ng positibong mga komento ang mismong vlog ni Goma.

“Your daughter is really down to earth. Always have values, love, discipline, and most of all respect begins at home.”

“Buti pa si Juliana mabait na bata at down to earth.. Pinalaki ng wasto, mabuti at tama ng kanyang napakagwapong Daddy at sobrang ganda Mommy 😊😊😊👏👏👏”

Credit: Richard Gomez YouTube

“Tingnan mo nga naman si Juliana, makikita mo talagang napalaki syang mabuting bata nina Richard at Lucy .. Such a Beautiful Lady, so Sweet ❤”

“Si Juliana isa sa nakita ko na anak ng Mayaman pero hindi maarte at napaka down to earth pa. Ang ganda ng pagpapa laki ng parents niya.”

Tunay nga na bibihira lamang para sa isang “only child” na galing sa isang mayamang pamilya na lumaking humble, super bait, at close na close sa kanyang mga yaya kaya awtomatiko talaga niyang naantig ang puso ng netizens dahil pinatunayan lang naman niyang sa kabila ng kanyang privileges sa buhay ay hindi siya lumaking spoiled brat.

Ysha Red

error: Content is protected !!