Coco Martin at Julia Montes, muling nagkasama sa teleseryse sa pagpasok ni Julia sa “FPJ’s: Ang Probinsyano”

Hindi napigilan ng mga netizens ang makaramdam ng kilig nang muling magsama sa isang teleserye sina Coco Martin at Julia Montes.
Credit: @cocomartin_ph Instagram
Sa murang edad ay sumabak na sa industriya ng showbiz si Julia Montes habang nagumpisa naman sa indie films si Coco Martin.
Unang nagsama sina Julia at Coco noong taong 2012 sa teleseryeng pinamagatang “Walang Hanggan”. Bukod sa magandang istorya ay labis itong inaabangan ng mga manonood dahil sa nag-uumapaw na chemistry ni Coco at Julia.
Mula noon ay mas lalong dumami ang kanilang fans. Hindi naman kasi talaga maitatanggi na sobrang bagay at ang lakas ng chemistry nina Coco at Julia o kung tawagin ng kanilang fans ay “CocoJul”.
Sa ilang taon nilang hindi pagsasama sa isang pelikula o teleserye ay marami pa rin ang patuloy na nag-aabang sa tambalan nilang dalawa.
Credit: @montesjulia08 Instagram
Nito lamang Hulyo 30 nang nagkaroon ng story conference ang long time running series na “FPJ’s: Ang Probinsyano” na siyang pinagbibidahan ni Coco Martin. Dito ay inanunsyo na magkakaroon ng mga bagong karakter ang teleserye at kasama na nga dito ay ang kakabalik lamang sa showbiz na si Julia Montes.
Sa conference ay inamin ng aktor na hindi umano siya nakatulog kinagabihan bago ganapin ang conference.
“Ako ‘yung kagabi hindi nakatulog, kahapon nagbi-brainstorming kami dito, ako ‘yung tensyonado kasi siyempre parang… kasi makakasama ko siya, eh. Alam mo ‘yung parang hindi ako puwedeng magkamali this time! Parang dito pa ba ako sasablay?” pahayag ni Coco.
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
Napansin naman ng mga netizens lalo na ng fans ang hindi maitagong ngiti ng aktor sa tuwing nagkakatinginan sila ni Julia. Dahil sa chemistry nila ay muli silang inulan ng espekulasyon tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Ayon naman kay Julia ay isang malaking karangalan para sa isang artista ang mapabilang sa cast ng “FPJ’s: Ang Probinsyano”.
Noong August 23 ay nagsimula na ang bagong season ng teleserye at dito ay simula na ring nasilayan ng mga manonood si Julia. Ang karakter ni Julia sa teleserye ay si Mara, isang misteryosong babae na habang naglalakbay ay nagkrus ang landas kay Cardo Dalisay, karakter ni Coco Martin sa teleserye.
Marami ngayon ang nag-aabang kung ano ang magiging takbo ng istorya ng teleserye ngayon na marami nang nadagdag na karakter katulad ni Julia.