Coleen Garcia at baby Amari, muli na namang tinunaw ang puso ng netizens

Coleen Garcia at baby Amari, muli na namang tinunaw ang puso ng netizens

Isa na namang captivating na moment ang ibinahagi ni Coleen Garcia sa social media kasama ng kanyang chikiting na si baby Amari kung saan ay talagang marami sa netizens lalong-lalo na ng kapwa Momshies ang nakaka-relate.

Credit: @coleen Instagram

Malaki talaga ang pagbabago sa ating buhay kapag nagkakaroon na ng anak at ng sariling pamilya. Kung noon ay sarili lamang ang inaalagan, talagang nag-iiba na ang priorities kapag naging isang Momshie na ngunit sa bawat pagbabagong nangyayari, grateful naman ang aktres at host na si Coleen Garcia sa bago niyang role. Kahit na’y first time, mahusay naman niyang nagagampanan ang kanyang duties dahilan kung bakit mas marami pa ang bumilib sa version na ito ng aktres.

Ngayon na medyo bumaba na ang kaso ng p0sitibong mga kaso ng c0vid-19, mas lenient na ang karamihan na magbakasyon sa iba’t-ibang lugar. Maliban dito, kakagaling lamang din ni Billy Crawford sa isang hectic na schedule kaya talagang deserve ng kanilang pamilya na makapag-relax sa beach.

Credit: @coleen Instagram

Sa outing ng pamilyang Garcia-Crawford kumakailan lamang, napagdesisyunan ni Coleen na subukan ang paddle boarding sa pinakaunang pagkakataon ngunit habang nasa kalagitnaan ng kanyang pag-eenjoy, bigla siyang nakita ni baby Amari. Of course, kahit nakasakay sa nakalutang na paddle board, ginampanan pa rin ng aktres ang kanyang Momshie duties at walang pag-aalinlangan na nagpa-breastfeed sa chikiting.

“It was my first time on the paddle board, and I was finally having some nice alone time, until the little guy spotted me while he was playing in the water. It was nice while it lasted. 🙃,” kuwento ni Coleen.

Credit: @coleen Instagram

Captured ang moment na ito ng mag-ina, hindi napigilan ng fans at ni Iya Villania na maaliw lalo na’t bilang isang kapwa Mommy, sobra siyang nakaka-relate sa sitwasyon.

Komento ng ‘Mars Pa More’ host na si Iya Villania, “I love this!!! 😆😆😆”

Credit: @coleen Instagram

Bagama’t busy man sa sinusubukang water activity, talagang hindi magagawa ni Coleen na i-ignore ang pangangailangan ni baby Amari. Kahit nasaaan man o kahit ano man ang ginagawa, talagang endless ang duties ng isang ina!

Sa isang hiwalay na post naman ng aktres sa Instagram kung saan ay nagbahagi siya ng mga larawan nila ni Billy habang nasa kalagitnaan ng photoshoot nang bigla na lamang lumapit si baby Amari, tila’y na-justify ang kanyang caption na, “Things change when you have a kid. ðŸĪŠ”

Credit: @coleen Instagram

Malaki man ang changes sa buhay ngayon na isa nang Momshie si Coleen, proud naman siya sa bawat adventure kasama si baby Amari.

Ysha Red

error: Content is protected !!