Cong TV, may epektibong Daddy tips para sa lahat ng mga ama na nagsta-struggle na mapansin ng mga anak!

Cong TV, may epektibong Daddy tips para sa lahat ng mga ama na nagsta-struggle na mapansin ng mga anak!

Walang issue. Proven at tested. Approved ni Kidlat!

Credit: Cong TV YouTube

Para sa mga chikiting, mas prefer talaga nila ang presence ng kanilang mga nanay kesa sa mga tatay kaya doble talaga ang effort na kinakailangan nilang gawin kung nais nilang mapansin ng mga ito katulad na lamang ni Cong TV na isang pambihirang strategy ang sinubukan.

Sa panahon ngayon, napakaraming videos sa Youtube na swak na swak para sa mga bata kaya nakitaan talaga ito ng opportunity ni Cong dahil idinaan lang naman niya sa isang toddler’s video ang pagpapansin kay Kidlat!

Sa bagong video na ibinahagi ni Cong sa kanyang YouTube channel, featured ang sarili niyang version ng learning video na kung tawagin niyang “Learning with PapaCocon” na inspired sa “Songs for Littles” ni Ms. Rachel.

Sa video na ito, sobrang effort ang ibinigay ni Cong dahil kumanta lang naman siya ng pambatang mga kanta at nagbahagi ng knowledgable na impormasyon katulad na lamang ng pag-distinguish sa iba’t ibang shapes, alphabets pati na rin sa pagkakasunod ng numbers.

Nang ipinakita ni Cong ang video sa kanyang partner na si Viy Cortez, halos hindi talaga ito makapagsalita dahil labis lang naman siyang nagulat sa todong effort na ginawa ni Cong para lamang mapansin ng kanilang anak.

Credit: Cong TV YouTube

“Nakakatuwa ka kasi gumawa ka ng ganyan for Kidlat,” sabi ni Viy.

Pagpapaliwanag ni Cong, na-inspire umano siya kay Ms. Rachel na ginawa ang “Songs for Littles” para sa kanyang anak kaya naisip niyang gawin din ito para kay Kidlat sa pagbabasakaling pansinin na siya nito.

Ayon kay Cong, “Customized ‘yan. Yun kasi ang istorya ni Rachel. Ginawa niya ‘yan para sa anak niya. Anong akala mo, Rachel, ikaw lang makakagawa niyan para sa anak mo?”

Credit: Cong TV YouTube

Nang sa wakas ay napanood na ito ni Kidlat, nakatutok talaga ang kanyang Daddy Cong sa magiging reaksyon ng anak pero laking ginhawa niya nang na-enjoy nito ang kanyang video. Maliban nito, sobrang responsive rin ni Kidlat dahik ginagaya lang naman niya ang iilan sa mga salitang binibigkas ni Cong sa video.

Of course, hindi rin pinalampas ni Cong ang opportunity na isingit ang salitang “Papa” sa video dahil sa kagustuhan niyang ito ang maging unang salita ni Kidlat.

Initially, ginawa talaga ni Cong ang PapaCocon para kay Kidlat dahil ayaw nitong lumapit o magpakarga man lang sa kanya pero dahil sobrang naaliw ang netizens sa content niyang ito, kaliwa’t kanan ang hinaing ng karamihan ngayon na gawin itong series.

Sa kagustuhan niyang mapansin ng anak, isang pambihirang strategy talaga ang ginawa ni Cong na siyang kinabiliban ng netizens. Hindi naman kasi maipagkakaila na blueprint si Cong hindi lamang bilang isang partner kundi ay pati na rin bilang isang ama!

Ysha Red

error: Content is protected !!