Cong TV, pinakilig na naman ang netizens nang hinarana si Viy Cortez

Hindi lamang sa berbal na pananalita o actions nakikita ang tunay na pagmamahal ng mga lalaki dahil napapansin din ito sa mga maliliit at simpleng mga bagay ngunit sa paglipas ng panahon, marami na ang nakakalimot dito kaya mas lumiliit din ang kumpyansa ng mga babae at tila’y easy na lamang para sa kanila na pagdudahan ang nararamdaman ng kanilang partner ngunit nito lamang, pinatunayan ng couple na si Cong at Viy Cortez na ang bawat bagay kahit maliit lamang para sa pananaw ng iba ay may malaki na palang impact sa isang relationship.
Credit: @thecongtv Tiktok
Hindi lamang nakakatawang biro at pranks ang matatagpuan sa vlogs ng sikat na Youtube vlogger na si Cong dahil mapapanood din sa mga ito ang sweetness nila ng kanyang partner na si Viy kahit nasa harap o likod man ng kamera.
@thecongtvpatulugin ang buntis..♬ original sound – Cong TV
Maliban dito, labis din na kinabibiliban ng karamihan ang paninindigan at pagmamahal ni Cong para kay Viy na idinadaan at ipinapakita niya sa simpleng mga bagay katulad na lamang ng pagbibigay ng assurance, pagpapatawa o hindi kaya’y random na paghaharana sa gabi.
Sa bagong upload na video ni Cong sa Tiktok, mapapanood kung paano niya sinubukang patulugin si Viy na nakahiga na sa kama. Bitbit ang kanyang gitara, feel na feel na kinanta ng Pinoy vlogger ang kantang “Especially For You”.
Credit: @thecongtv Tiktok
Habang ramdam na ramdam ni Cong ang bawat lyrics ng kanta habang nagstu-strum sa kanyang guitar, tahimik namang nakikinig si Viy ngunit kahit na’y natapos na ng vlogger ang isang kanta, hindi pa rin nakakatulog ang kanyang partner. Imbes, si Cong pa mismo ang nakaramdam ng antok.
Kahit na’y sampung beses na umano niyang inuulit ang kanta, hindi pa rin nagtagumpay ang plano ni Cong na “patulugin ang buntis”. Bagama’t nabigo man sa kanyang plano, marami naman sa netizens ang nakaramdam ng kilig at na-touch sa gesture na ito ng vlogger para sa kanyang partner na mukhang hirap sa pagtulog.
“its always the small things hayyy 🤍”
Credit: @thecongtv Tiktok
“aweeee🥰”
“cuteeee🥺🥺”
“ung standarrrdddd”
“grabe sana all”
Credit: @thecongtv Tiktok
Maselan talaga kapag nagbubuntis ngunit nakakagaan naman sa pakiramdam at bawi naman sa lahat ng cramps ang pagkakaroon ni Viy Cortez ng mapagmahal at sweet na partner.