Construction ng bagong bahay ni Donny Pangilinan, ipinasilip niya sa kanyang mga taga-hanga!

Construction ng bagong bahay ni Donny Pangilinan, ipinasilip niya sa kanyang mga taga-hanga!

Kabilang sa ating mga pangarap sa buhay ay ang magkaroon ng sariling bahay kaya talagang doble ang pagkayod natin sa trabaho para lamang maisakatuparan ito at ang makitang unti-unti itong nagma-materialize ay nagdudulot sa atin ng tiyak na kasiyahan katulad na lamang ni Donny Pangilinan na hindi na napigilan ang sarili na magbigay ng update tungkol sa ipinapatayo niyang bahay.

Credit:Β @donny Instagram

Sa edad na 24, nasa isip na talaga ni Donny Pangilinan ang pagiging independent at kabilang na nga nito ay ang pagkakaroon niya ng sariling bahay. Ngayong patuloy siyang umaangat sa kasikatan at mas lalo lamang na dumami ang supporters at fans sa tambalan nila ni Belle Mariano, confident ang aktor na kayang-kaya na niyang ipatayo ang kanyang dream house. Sa katunayan, malapit na nga itong matapos dahil sa latest na update niya, makikitang ang ikalawang palapag na ang pinagkakaabalahan.

“Almost there!! πŸ™πŸΌπŸ ,” pahayag ni Donny sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan kung saan ay makikita siyang nasa ikalawang palapag ng magiging bahay na kasalukuyan ngayong “under construction”.

Credit:Β @donny Instagram

Of course, mahilig talaga ang karamihan sa atin na bigyan ng pangalan ang lahat ng ating properties at tila’y isa ang aktor sa mga taong mahilig nito dahil “Casa Donato” lang naman ang tawag niya sa ipinapatayong bahay na hango sa kanyang totoong pangalan na Donato Antonio.

Sa hirap ng buhay, hindi talaga basta-basta ang pagpapatayo ng bahay pero sa edad na 24, naisakatuparan na ni Donny ang isa sa kanyang pangarap sa buhay kaya naman talagang bumilib ang kanyang fans pati na rin ang kapwa niya celebrities.

“Amazing, congratulations!!” Pagbati ni Bianca Gonzalez.

Credit:Β @donny Instagram

“proud of u,” comment ng kanyang “Love is Color Blind” co-star at Tiktok personality na si Esynrr.

“Congrats mannnn!!! πŸ™ŒπŸ™ŒπŸ™ŒπŸ”₯πŸ”₯,” sabi naman ni Richard Juan.

Hindi naman nagpahuli ang mag-ama na si Gary at Gab Valenciano na nagsabing sobrang proud sila sa achievement ng aktor.

“Happy for you Donny,” saad ni Mr. Pure Energy” Gary Valenciano.

Credit:Β @donny Instagram

“Proud of you cuz 🀍,” ayon kay Gab Valenciano.

At dahil malapit nang matapos ang ipinapagawang bahay, parehong nag-iwan naman ng komento si Daniel Matsunaga at Darla Sauler na nagsasabing imbitahin umano sila sa housewarming party.

Kung palagi natin siyang nakikita sa TV bilang isa sa mga mahusay na aktor ngayon, isa namang motivated na dreamer si Donny Pangilinan sa likod ng kamera at ngayong malapit na niyang maisakatuparan ang isa sa kanyang mga pangarap, mas lalo lamang na nadadagdagan ang kanyang inspirasyon sa buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!